Chapter 8: Sleepover

81 20 7
                                        

Jane's Pov:

Habang nagbibihis ako sa aking kwarto, napaupo ako sa kama ko at nag salita.

"Ganun na lang yon? Wala man lang thank you? Kahit isa lang? Di man lang nya naisip yung kalagayan nya kanina. Basta nung nakita nya yung crush nya bangon agad sya. At utusan pa ako ha? Samantalang akong best friend nya, hindi man lang nya naisip pasalamatan".

Naputol ang pakikipag usap ko sa sarili ko nang dumating sina mama at Jing.

"Jeng???", bungad na tanong ni mama mula sa ibabang parte ng bahay.

Dali dali kong tinapos ang pagbibihis ko tsaka bumaba.

"Ma?", ika ko sabay beso kay mama.

"Tumawag sakin si Tita Lovely mo. Ano daw nangyari kay Kaykay? Nagtext daw sa kanya yung teacher nyo".

"Akyat na ko ma", sabi ni Jing at umakyat na sa kwarto nya para magpalit.

"Naulanan po kase kami kaninang umaga ma. Tas ayun po nilagnat po sya. Pero nag stay po muna kami sa clinic kanina hanggang bumuti yung pakiramdam nya", sagot ko sa tanong nya.

"Tsk tsk tsk! Ikaw ok ka lang ba?", tanong nya sakin.

"Opo naman ma. Ako pa po ba?", sabi ko.

"Edi walang kasama ngayon dun si Kiry. Bat di mo sinabing dito na lang muna sya matulog?".

"Sinabi ko po kaso po sabi nya walang mgbabantay ng bahay nila:.

"Edi samahan mo na lang sya don. Mamaya magkasakit ulit yun", sabi nya.

"Binilin sya satin ni Tita mo. Tayo na daw muna bahala sa kanya", dagdag nya kaya napapayag na ako.

"Sige po".

"Oh teka magluluto lang ako ng sinigang. Dalhin mo dun kila Kiry. Yan ang ipakain mo sa kanya", bilin ni mama.

Tumango na lang ako at nagluto na si mama. Bumaba na si Jing.

"Ate, dun ka matutulog kila kuya Kiry?", tanong nya.

"Oum", sagot ko.

"Sama ko", ungot nya.

"Walang kasama dito sa bahay si mama Jing", sabi ko naman.

"Sige na nga", sabi nya.

Ilang saglit pa'y dumating na si mama daladala ang 2 baunan na may kanin at ulam.

"Oh tig isa kayo ni Kiry", iniabot na nya sakin ang mg baunan.

"Sige po ma. Punta na ko don. Salamat po", kinuha ko na ang toothbrush at baunan ko tsaka pumunta kila Kiry.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon