Chapter 22: Heartbreak

50 11 0
                                        

Jane's Pov:

Natapos na kaming maglinis at mag ayos ng mga upuan kaya pumasok na ang iba naming mga kaklase.

"Oh game start na para maagang makauwi", sabi ni Stacy.

Nag umpisa na ang practice namin. Buti na lang yung mga scenes na pina practice namin ngayon, di kami nagkakatagpo ni Kiry. Mukhang di ko kayang makaeksena sya ngayon sa bigat neto.

Nakatulong din sakin yung bigat ng nararamdaman ko ngayon eh. Mabigat kasing eksena yung pina practice namin ngayon. Dramatic.

"Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, yung kapatid nya pa yung papatayin nyo? Alam nyo, hindi ako kailanman magiging masaya kung nakapaligid kayo. Pahirap kayo sa buhay ko eh. Buong buhay ko, tiniis ko lahat. Sana hindi na lang kayo yung naging mga magulang ko!", sabi ko habang umiiyak.

Grabe! Di ako naiyak dahil nadala ako sa mga linyang binitawan ko, naiyak ako dahil sa nangyare kanina. At dahil sa pag iyak ko, kinantsawan ako ng mga kaklase namin.

"Hala?! Di pa ngayon yung performance teh! Dalang dala ah", pang aasar ni Danica.

"Hahahahah! Sorry! Nakakaiyak kasi yung script eh", sabi ko na lang at nagpunas ng luha.

"Oh sige tama na. Bukas na ulit. 6 na eh", sabi ni Stacy.

Kinuha ko na yung gamit ko at umupo sa tabi ni Kim. Sabi kasi ni Stacy mag meeting daw muna bago umuwi eh.

"Okay ka lang beh?", bulong ni Kim.

Tumango lang ako at ngumiti ng mapait. Hinawakan nya ang kamay ko at nginitian din ako.

"Malapit na performance natin. Two weeks na lang. So dapat sa Sabado mag general practice na tayo. Kasama na props. Dalhin nyo na din costumes nyo", sabi ni Stacy.

"Hala ka?! Sabado?", nagulat ako nang biglang mag react si Kiry.

"Oo baket?", sabi ni Stacy.

"M-may lakad kasi ako eh.. Pano yan?", sabi nya na alalang alala ang mukha.

May lakad sya? Wala naman syang nasasabi sakin. Sa pagkakaalam ko, maiiwan sya mag isa sa bahay nila kasi aalis ulit si Tita Lovely sa Sabado. San kaya toh pupunta?

"Bakit? San ka ba pupunta?", tanong ni Stacy.

"Ah... Kasi...".

"Kiry, tandaan mo sa 14 na toh. Ilang araw na lang natitira para makapag practice tayo. Kailangan ka dun. Main role ka eh. Importante ba yang lakad na yan?".

"Sige wag na. Di na ko tutuloy", malungkot nyang sabi.

"Baka galit ka ah?".

"Hindi ah. Hahahaha! Ok lang".

"Buti naman. Oh yung iba dyan ah! Sige ah! Bukas practice ulit", paalala ni Stacy.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon