Jane's Pov:
Uwian na. Pero di pako pwedeng umuwi. Cleaners kase si Kiry eh. At dahil sabay kami umuuwi, kahit di ako cleaners, maglilinis paden ako. Grrrr!
"Hoy Kiry bilisan mo na! Alam mo namang birthday ni Jean ngayon eh", sabi ko sa kanya.
Birthday kase ngayon ng nag iisa kong kapatid. 8 years old na sya ngayon. Amara Jean ang pangalan nya HAHAHHA. Kalito diba?
"Oo...", sabi nya habang nag aayos ng mga upuan. "Oh yan tapos na".
Kinuha na nya ang bag nya at nagpaalam na kami sa mga kaklase namin.
"Una na kami guys ah. Birthday kase ng kapatid ko ngayon eh", sabi ko sa kanila.
"Sige girl! Pasabe na lang sa sisteret mo happy birthday ahh!", sabi ng kaibigan kong si Kim.
"Gegege salamat!".
"Geh ingat kayo babushhh!".
Lumabas na kami ng room ni Kiry. Pagpunta namin sa ground floor, nakita ulit namin ang crush nya na si Jonah.
Huminto muna kami saglit kase pinagmamasadan nya maglaro ito.
"Ang ganda nya noh? Sobrang pang ideal girl. Matangkad. Morena. Mabait pa", sige pantasyahan mo lang sya. "Ang swerte siguro ng boy friend nya noh?".
Nagkibit balikat lang ako.
"Sayang! May boy friend na sya", malungkot na sabi nya.
"Isang taon ko na syang crush-", pinutol ko na yung pag da drama nya.
"Alam mo Kay, mamaya na lang tayo magdalamhati kase tayo na lang yung iniintay sa bahay eh", sabi ko.
"Tara na nga!", tumalikod na sya at nagsimulang maglakad.
"Bibili lang ako ng regalo kay Jean dyan sa may Rob. Ikaw?", tanong ko sa kanya.
"Tsss.. Ako pa ba? Kagabi pa ko may gift noh?", yabang ahh.
"Oh sige na. Samahan mo na lang ako", binilisan ko na ang lakad.
Di nagtagal nakarating narin kami. Syempre iniwan muna namin yung bag namin sa baggage counter tsaka pumasok.
"Ano kayang pwede kong iregalo sa kanya?", sabi ko habang nililibot ang mata sa paligid.
"Eto!", sabi ni Kiry at binigay sakin ang make up set.
"Magtigil ka nga! Keliit liit pa ng kapatid ko! Ako nga di naggaganyan eh", sabi ko at ibinalik sa kanya ang set.
"Syempre igaya mo naman yun sayo. Ikaw matandang hukluban ka eh. Natural na sayo yung ganyang muka. Kahit mag make up ka waepek!", pang iinis nya.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Ficção AdolescenteAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...