Kiry's Pov:
Nagising na ang diwa ko. Pakiramdam ko'y nakahiga ako sa isang kama. Huh? Anong nangyare?
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nanlalabo ang paningin ko kaya marahan ko itong kinusot.
Nang maging malinaw na aking paningin, inilibot ko ang aking mata sa paligid. Nagtaka ako. Anong nangyari?
Nang malinawan ako na nasa clinic ako, dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at napansin kong may kung anong hinahawakan ang kanan kong kamay.
Pagka upo ko ay nakita ko ang natutulog na si Jane na hawak ang aking kamay. Nakaupo sya sa isang upuan malapit sa kama at nakasubsob ang mukha nya sa kama.
"Talaga toh", bulong ko sa sarili at napangiti.
Napansin kong suot nya ang kanyang salamin habang natutulog. Tatanggalin ko sana ito gamit ang kanan kong kamay subalit biglang humigpit ang pagkakahawak ni Jane dito. Napangiti ako.
Kaya kinuha ko na lang ang salamin nya gamit ang kaliwa kong kamay. Inayos ko ang bangs nya na nakaharang sa mukha nya.
Biglang may dumating. Si.. si Jonah? Nakita ko si Jonah na may sugat sa may tuhod. May kasama syang ibang babae.
"Nurse! Nurse!", sabi nung kasama nya papasok na alalang ala.
Napatayo ako ako mula sa aking hinihigaan kaya natanggal ko ang kamay ko kay Jane na naging dahilan naman ng paggising nya.
"A-anong nangyare?", singit ko.
"Kiry! Gising ka na! Kamusta? Anong naraeamdaman mo?", tanong agad ni Jane paggising nya.
"Ok na ko Jane", baling ko sa kanya. "Ipaupo mo muna sya rito", baling ko naman sa kasama ni Jonah.
Tumayo na si Jane at tinulungan ko naman ang kasama ni Jonah na babae upang iupo sya sa kama ng clinic.
"Nagte training kasi kami ng volleyball. Sa kagustuhan nyang masalo yung bola, ayun nadisgrasya sya", sabi nung kasama ni Jonah. "Wala bang Nurse ngayon dito?".
"Nandito sya kanina. Umalis sya bago ako makatulog. Sabi nya may aasikasuhin lang daw sya", singit ni Jane.
"Jane, pwede bang pakihanap muna si Nurse Tan?", pakiusap ko kay Jane.
"Sige", tumango sya at tumakbo na palabas.
"Tatawagin ko lang si Troy. Sasabihin ko sa kanya yung nangyari sayo", sabi nung babae.
Umiling si Jonah. "Wag na. Ayokong mag alala pa sya".
"Tsk! Tatawagin ko sya!", sabi nung kasama nya tsaka nagmadaling lumabas.
"Eunice!!", sigaw ni Jonah.
"A-ayos lang po ba kayo?", tanong ko ng pautal utal.
"Oo. Medyo masa-", natigilan sya. "Ikaw yung sa canteen diba?".
"Opo ako nga po yun. Sorry ulit sa nangyari", sabi ko.
"Ayos lang. Kalimutan mo na yun", sabi nya.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Ficção AdolescenteAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...