Kiry's Pov:
Paglabas namin sa videoke room ay agad namang nag paalam sina Jeng at Kim na kakain daw muna sila.
"Bat kaya madaling madali silang umalis?", tanong ni Danica.
"Baka di na makatiis yung dragon sa tyan nya", sabi ko naman.
Tumawa sila sa sinabi ko.
"Siraulo ka talaga".
"Oh ano?! Basketball na tayo pre", yaya ni Jake.
"Oh sige tara!", sabi naman ni Zach.
"Kayo?", tanong nya samin.
"Oo call kami", sagot namin nina John at Mark.
"Ikaw Niel?", tanong ni John.
"Sama muna ko kay Dan pre", sagot nya.
"Naku naku! Nagka jowa lang iniwan na kami", biro ni Zach.
"Hoy grabe ka! Wala ka lang jowa eh", sabi naman ni Ashley.
"Yaan nyo muna sila mag date", sabi naman ni Stacy.
"Oo nga naman", sabi ko naman.
"Joke lang naman. Gg agad kayo", sabi ni Zach.
"Sige na pre! Maglambingan muna kayo don. Hahahha!", biro ni Jake.
"Eh kayo girls? Gusto nyong sumama muna samin?", alok ni Mark.
"Ako aakyat muna ko. Pagod na ko eh. Ikaw ba Ash?", sabi ni Stacy.
"Samahan na lang kita. Enjoy na lang kayo boys", sabi naman ni Ashley.
"Sige sige! Kitakits na lang mamaya", sabi namin na umalis na.
Pagdating namin dun ay napakahaba ng pila.
"Grabe nasa basketball booth pala tayo, kala ko nasa EDSA", biro ni Zach.
"Hay naku bukas pa tayo aabutin neto badtrip", sabi naman ni Jake.
"Tssss! Easy lang kase mga pre! Makakapaglaro din tayo", pagpapakalma ni Mark.
"Ihi muna ko mga pre ah! Di ko na talaga kaya eh", sabi ko.
"Samahan mo nga ko", sabi ko kay John.
"Sus kaya mo na yan! Para kang babae", sagot naman ni John.
"Oo na ako na mag isa! I save nyo ko ha!", sabi ko.
"Wag kang mag alala. Pagbalik mo andito paden kami. As in andito padin kami sa pwesto namin. Hahahaha!", biro ni John.
"Ewan ko sa inyo", sabi ko at umalis na.
Pagkatapos kong umihi ay naglakad na ako pabalik sana sa booth subalit napahinto ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...
