Jane's Pov:
"Aba! Smile means yes kaya? Sige Kiry, lapitan mo na ang babaeng gusto mong maging Prom Queen", sabi nung MC.
PUNYETA! Ayoko ng mga ganitong eksena kase hindi ko alam kung maiiyak ba ako o mapapatakbo ako o ano?
Nagulat ang lahat kaya napatingin ako ng diretso sa stage at nakita kong kinuha ni Kiry ang korona. Mukhang gusto nyang sya pa ang magsusuot nun sa babaeng gusto nya.
Bakit? Bakit ako kinakabahan? Alam ko namang hindi ako ang pipiliin nya. Pinapaasa ko na naman yung sarili ko. Please lang puso, kumalma ka dyan!
Parang nag slow motion ang lahat ng gumagalaw. Dahan-dahang bumaba si Kiry. Naglakad sya. Papalapit. Papalapit nang papalapit samin. Hindi ko alam kung saan sya tutungo pero kung saan man yun, ayokong malaman. Ayokong masaktan ng harapan. Kaya yumuko na lang ako.
Huminga ako ng malalim. Ok lang yan Jeng.
"Hi! Pwede ka bang maging Prom Queen ko?", sabi nya.
Hindi ko alam kung sinong babae ang pinuntahan nya. Pero mukhang gulat na gulat ang iba. Kaya dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa tapat ko ang lalaking yon.
"A-ako?", sabi ko at napaturo sa sarili.
"Ok lang ba?", sabi nya at ngumiti ng nakakaloko.
Napalunok ako at napapikit pikit. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong bangkay na nanigas ng nakatayo.
"Ah.. Uhm.. Ah.. B-baket ako?", tanong ko.
Hindi nya sinagot ang tanong ko at imbes ay nagpacute pa na sinasabing pumayag na 'ko. Ang lakas ng kalambag ng puso ko. Hindi ko alam gagawin ko kaya tumango tango na lang ako.
Lumawak ang ngiti nya at pinisil pa ang pisngi ko bago ilagay sa ulo ko ang korona. Napahawak ako sa pisngi ko.
WHAAAAAA! Gusto kong gumulong sa kilig! Pero mamaya na lang sa bahay!
Isinama na nya 'ko sa pag-akyat sa stage at tumabi kami sa MC. Napansin kong magkahawak padin kami ng kamay kaya tinangka kong tanggalin iyon pero bago ko pa tuluyang matanggal ay mas hinigpitan nya ang kapit kaya napatingin ako sa kanya. Kinindatan lang ako ng loko!
"Thank you very much ladies, pero pwede na kayong maupo ulit", sabi ng MC.
Nginitian ako ni Jane bago sya bumalik sa upuan nya habang si Ashley naman ay mukhang nadismaya sa resulta.
Napatingin ako sa mga babaeng pinag uusapan ako kanina at nakita kong iniirap irapan nila ko. Parang gusto ko na lang bumalik sa upuan ko o kaya ay umuwi.
"So Kiry, sya ba si Mysterious Girl?", tanong ng MC.
Ngumisi lang ulit si Kiry. Pwede naman kaseng sagutin yung tanong ng diretso eh!
"Hmm... Mabuti pa, magpicture na tayo at para makapagsayaw na sa gitna ang mga nanalo", sabi ng MC.
At yon nga ang ginawa namin. Nagtabi tabi kami nina Kim para sa picture taking.
"Hmmm.. Di nga naka last dance, final dance naman", pang-aasar ni Kim habang nakangiti dahil nagpi picture na. Napangiti tuloy kaming dalawa.
Pagkatapos namin mag picture ay tumungo na sa gitna ang Prom Princess, Prom Prince, Couple of the Night at kaming Prom Queen and King.
"Ok ka lang?", tanong sakin ni Kiry. Tumango lang ako.
"Sus! Eh bakit hindi ka naimik dyan?", tanong nya ulit.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Ficção AdolescenteAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...