CHAPTER 1

7.1K 140 1
                                    

Royalty's POV

              Kasalukuyan akong naglalakad ngayon at nirereview ang mga dapat kong aralin dahil paniguradong may quiz na naman kami sa terror prof namin, actually hindi naman talaga siya terror mahilig lang talaga siyang manindak ng estudyante.

"Ano?! Ibibigay mo ba yan sa amin oh ano?!"napalingon ako sa mga taong nasa tapat ng isang eskinita. Mabilis na lakad ang ginawa ko hindi dahil sa takot kundi dahil baka mapasama ako sa gulo. Mas maganda na yung maingat ka.

"Ang gabi mo naman na yata Celeste?"napalingon ako sa salas at doon bumungad si Clarity, kuya ko.

"What do you expect, maraming paperworks kanina tsaka tinapos ko yung last chapter ng ginagawa kong libro. You know me..."sagot ko.

"Oo halata nga, sabi nga pala ni Tatay pagkatapos mong kumain pakihugasan na rin ng plato diyan sa lababo."inis ko siyang nilingon.

"Seryoso ka ba talaga? Ako ba talaga yung inutusan o ikaw? Napakatamad mo—"

"Ikaw ang inutusan ko may reklamo ka?"natigilan ako sa sinabing iyon ni Tatay at napatungo na lang.

"Wag mo ng simulan si Celeste kakagaling lang niyan sa eskwelahan hayaan mo munang magpahinga. Hoy Clarity ikaw na ang maghugas ng kinainan, ikaw ang inuutusan ko eh."

"Si Nanay naman.-"

"A-Ako na Nay..."

"Ikaw ang bahala, pagkatapos mong kumain eh magpahinga ka na ha. Clarity tama na yang paglalaptop mong yan, matulog ka na."saad ni Nanay habang itinutulak si Tatay papasok ng kwarto.

"Nay—"

"Hahampasin kita diyan eh, matulog ka na!"sigaw pa ni Nanay. Agad naman akong nagdiretso sa kusina at inayos ang sarili ko bago umupo. Hanggang ngayon ay balakid pa rin sa isipan ko lahat ng pangyayari, ang trato sa akin ni Tatay. Ganu'n pa rin siya, galit pa rin.

"Si Nanay nakakainis na minsan, bubuksan ko pa lang yung laptop eh."saad ni Kuya na sumunod na pala sa akin.

"Alam mo namang kuripot yun—"sagot ko.

"Halata nga, isang malaking mansiyon may siyam na kwarto at tig-iisang banyo pero iisa lang banyo lang ang pinapagamit sa atin?!"saad pa niya.

"Si Nanay yun, magtaka ka kung ibang tao. Atsaka diba sabi ni Nanay matulog ka na?"

"Alam mo parehas kayo ni Nanay, isa ka pa din eh. Goodnight na nga!"malakas na sabi pa niya at umalis sa kusina. Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung ilang taon pa ang itatagal ko dito sa Pinas. Gustong gusto ko ng bumalik kung saan ako nanggaling pero mukhang matatagalan pa.

KINABUKASAN

Maaga akong nagising sa hindi ko malamang dahilan, napakaingay din sa baba kung kaya't talagang magigising ka ng wala sa oras.

"Good morning Panget!"malakas na sambit ni Kuya napairap akong umupo at inis siyang nilingon.

"Saya ka?"sarkastikong tanong ko.

"Sobra."

"Heh, wala ka namang jowa."pang-aasar ko.

"Na-Nay si Celeste oh namemersonal!"pagsusumbong ni Kuya na ikinangisi ko.

"Kayong dalawa itigil niyo yan ah, mamaya gigising na ang tatay niyo. Kapag naabutan kayo nun na nag-aasaran sa hapag, makakaluhod na naman kayo sa graba."awat ni Nanay.

"Ikaw kasi."saad ni Kuya.

"Anong ako? Ikaw ang nanguna."

"Tigilan niyo na yan."napatigil ako ng marinig ang boses ni Tatay at nagsimula na lang ulit na kumain. Nang matapos ay nagpaalam na ako para pumasok.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay may tumawag sa telepono ko kaya agad kong sinagot iyon.

"Oh? Hello?"sagot ko sa tawag ni Jenny.

"Nasaan ka na? Hinahanap ka pa rin ni Ikov dito!"napairap ako sa sinabi niyang iyon.

"Malapit na hintayin mo lang ako."

"Bilisan mo may ichichika ako sa'yo! Hihihihi!"nangunot ang noo ko. 

Ano naman kayang ichichika nito?


---

A/N: Hey vro and veh! Pasensya pero ang storyang ito ay medyo kapanahunan pa at NAPAKADAMING ERRORS AT WRONG GRAMMARS, madami ding mga typos dahil ang storyang ito ay isinulat ko lang noon sa notebook at ipinublish lang dito para hindi mawala. Kung hindi mo naman trip ang mga ganitong kajejehan hshshshshsh feel free to delete,cancel, or ignore this story. (Kahit ako din namang sumulat ay sumasakit din ang mata dahil dito LOL.) Pero 'yun nagbabala lang ako hexhex.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon