Aestherielle POV
Maaga ako nagising ngayon dahil bukod sa may pasok ako ngayon ay tila may narinig akong kumalabog sa sala namin. Agad agad akong tumungo doon upang alamin kung ano na ang nangyayari.
"Ruelo naman! Bakit? Ano nanaman ba ginawa mong katarantaduhan at tinanggal ka sa trabaho?"
Rinig kong boses ni mama.
"Wala! Wala akong ginagawa. Unti-unting nalulugi na ang kompanyang pinagtratrabahuan ko. At syempre kailangan na nila mag bawas ng employee at napasama ako sa minalas".
Sagot naman ni papa. So, nawalan ng trabaho si Papa? Paano na ang pagaaral ng mga kapatid ko? Paano na ang kakailangan namin sa pangaaraw-araw? 1st year college palang ako. Paano na?
"Jusko, Paano na tayo ngayon? Pupulutin nalang tayo sa kangkungan ganon ba yon?"
Dagdag pa ni mama at tila nanggagalaite sa galit.
"Of course not. May inoffer sa akin si pareng Cenon. Kaso sa Saudi pa iyon. Ayos lang ba sainyo?"
So, mag o-ofw si papa? Iiwan nya ako sa impyernong bahay na ito? Hayyy, ano pa nga ba ang magagawa ko eh kailangan talaga namin ng pera sa pagaaral namin ng mga kapatid ko. Lalo na't apat pa kaming magkakapatid.
"Sa Saudi? Seryoso ka dyan Ruelo? Kakayanin mo doon?"
"Kakayanin para sainyo"
"Jusko, bahala ka na nga dyan! Basta siguraduhin mong may makakain tayo sa araw-araw!"
Ayon at tinalikuran na ni mama si papa. Tila nangingilid ang mga luha ni Papa. At parang may kumurot sa aking puso. Si papa lang ang aking kakampi sa bahay na ito. Papa's girl ako at hinding hindi ko iyon ikakahiya. Bago pa tumulo ang mga luha sa mga mata nya ay nilaksan ko na ang loob ko at nilapitan ko na sya.
"Papa"
"Oh anak? Ba't gising ka na? Maaga pa para sa klase mo ah?"
Pasimple nyang pinunasan ang mga luhang naguunahang dumausdos sa kanyang mga pisngi. At ngumiti sa akin na pawang walang nangyaring masama kanina.
"Pa, narinig ko po lahat. Hindi mo po kailangan sarilihin lahat ng sama ng loob nyo. Andito po ako Pa."
May namumuo na ding mga luha sa gilid ng aking mga mata.
"Anak. Okay lang si papa. Kakayanin ni papa doon sa Saudi."
"Ayos na po ba lahat ng kakailanganing papers nyo?"
"Kaunting push nalang 'nak, at makakalipad na din ako. Inaasahan ko na rin naman na mangyayari ito kaya nilakad ko na habang maaga pa".
Sa totoo lang, ayoko talagang umalis si Papa. Ayokong maiwan ng mag-isa at walang kakampi dito sa pamamahay na ito. Ngunit wala na talagang choice kundi sumugal nalang, kahit walang kasiguraduhan.
"Mag-iingat ka doon Papa. Wala ako doon para alagaan ka"
Para akong baliw na tumutulo ang aking luha. Napaka OA ko na ata.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Teen FictionSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
