Chapter Thirty-three

64 12 0
                                        

Kenzo's POV

Ilang linggo na ang nakakalipas pero hindi parin maalis sa isip ko ang sagutan namin ni Aestherielle.

Minahal ba talaga nya ako?

Yan ang tanong na ilang linggo ko ng hinahanap ang sagot ngunit hindi masagot dahil ilang linggo na din hindi napasok si Aestherielle.

Dalawang linggo nalang at magbabakasyon na. Kailangan ko na talaga sya makausap.

Ngayon ay nakatulala lang ako sa upuan nya. Inaalala lahat ng kulitan namin dati. Hindi ko alam kung mauulit ulit iyon.

"Vro. Tulala ka nanaman sa upuan ni Aestherielle" sabi ni Claude.

"I don't know vro. Naguguluhan ako sa lahat" sinabi ko ito habang hinihilot ang sentido.

"Vro, bakit hindi mo puntahan sa kanila?"

"Ginawa ko na yan, pero wala akong lakas para harapin sya. Nasasaktan na din ako, vro."

"Alam mo ba? Noong nasa bonfire tayo, yung may tumawag sa kanya. Grabe yung iyak nya vro. Sinigawan pa nga ako tinanong ko lang naman kung okay sya. Sabi nya 'Ofcourse I'm not okay. But I need to be okay' parang may pinaghuhugutan pre." Pagkukuwento nito.

Nangunot ang noo ko. At hindi agad nakasagot.

"Tapos vro, hinanap ka nya agad. Then, pagkatapos nun wala na. Hindi na sya nagpakita. Ano ba nangyari sa inyo?"

H-hinanap nya ako? So, ako talaga yung sadya nya? Kaya pala sya napadpad kung saan kami nagkausap ni Flor?

"Huy, kinakausap kita. Ba't napatulala ka?" Pagyugyog sa akin ni Claude.

"Wala vro, hindi ko rin alam ang nangyayari. Masyadong magulo" sagot ko dito.

Hindi na din kami nagkausap pa dahil dumating na si Sir.

Dumapo agad ang paningin nito sa upuan ni Aestherielle kaya lahat ay tumingin din doon.

Naging matamlay ang mukha nito.

"Hindi parin pumapasok si Aestherielle?" Tanong nito. "Naapektuhan na ang grades nya. Please lang pakiusapan nyo na si Aestherielle na pumasok" dagdag pa nya.

"Ahmm Sir, may family problem lang po sya. Lalo na't kakawala lang din po ng tatay nya" malungkot na sabi ni Lanie.

Ang lahat ay nagulat.

"W-what?" Tanong ko dito. Kaya nilingon nya ako.

"Yes, Kenzo" may halong galit na sabi nito.

"Oh, kawawa naman pala si Aestherielle. Twenty years old palang sya pero mga problema nya mas madami pa sa edad nya. Anyways, I'm concern to her grades, so please kausapin nyo sya." Dagdag pa ni Sir.

Hindi ako mapakali, gusto ko syang puntahan pero hindi ko alam kung paano sya haharapin. Gayung nasaktan din sya sa nakita nya.

Hindi ko namalayan na lunch na pala. Kailangan kong makausap, kahit si Lanie man lang.

Tatayo na sana sya ng pigilan ko sya.

"Ano?" Galit na tanong nito.

"Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang please" pagmamakaawa ko dito.

"About what?"

"About Aestherielle."

"What about her?"

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now