Aestherielle POV
Naalimpungatan ako dahil nanaman sa sigaw ni Mama.
Medyo hindi ako nakatulog kahapon dahil sa Kenzong tukmol na iyon. Sa'n naman nya nakuha number ko?.
Tumayo agad ako at naghilamos. Pagkatapos nun lumabas na ako. Alas kwatro palang pala. Naabutan kong may kausap si Mama sa kanyang phone.
"Ruelo mag-ayos ka dyan! Kailangan natin ng pera. Siguraduhin mong may ipapadala ka sa katapusan.!" Pasigaw na sabi ni Mama.
Kausap ni Mama si Papa.
"Ruelo! Madami tayong babayaran sa katapusan! Yung tuition pa ng mga bata!" Sigaw ulit ni Mama.
Hindi ko lubos maisip kung ano ba talaga nagustuhan ni Papa kay Mama?. I mean, lagi nalang inaaway ni Mama si Papa. Minsan nakakaawa na si Papa dahil lagi nalang sya binubulyawan ni Mama.
Hindi ko nalang yun pinansin, I'm sure naman na makakapagpadala si Papa, medyo demanding lang itong si Mama.
Nawala tuloy antok ko. Wala akong nagawa kundi mag-aral nalang. Kahit biyernes ngayon, feel na feel ko parin ang pagod.
Dati rati, kapag friday ansaya-saya ko kase makakapagpahinga ako pero ngayon? Nakakapagod pa sa pagod.Hindi ko namalayan ang oras. Mahigit isa't kalahating oras na pala akong nagaaral. Niligpit ko agad ito at pinahinga muna ang mga mata. Pagkatapos nun naligo at nag-ayos na ako.
6:00am palang ay umalis na ako sa bahay. Ayokong maabutan ako ng mga kapatid ko. Dahil sigurado akong mangungutang or manghihingi nanaman iyon ng pera. Hindi naman sa madamot ako pero baka ma-short nanaman ako kapag pinahiram ko pa sila ng pera.
Walang sumalubong na Lanie sakin sa gate. Nakakapagtaka lang. Nakibit balikat lang ako nagpatuloy pumasok, napansin ko kaagad ang kumpulan ng mga estudyante sa bulletin board.
"Ae-ae!" Pagtawag sakin ni Lanie. Yun naman pala, kaya pala wala sa gate nakikipagsik-sikan sa may bulletin board.
"Ano ba meron? Ba't may kumpulan?" Tanong ko agad nung makalapit na sya.
"Ahh wala, wala. Halika na pasok na tayo dalii" parang may tinatago ito sakin.
Hinayaan ko lang syang hilain ako papuntang room. Pagkarating namin dun, yung mga mata ng mga kaklase ko ay sa akin agad itinuon.
Tiningnan ni ako mula ulo hanggang paa. Ano ba problema ng mga ito?.
Pumalakpak si Bridget habang tinitingnan ako.
"Pwede tong si Ae-ae. 'Diba gusyue?" Sabi nya habang pumapalakpak.
Nagtanguan mga kaklase ko. Tiningnan ko si Lanie na abot tenga ang ngiti.
"Sabi ko sainyo guys, pwede tong bestfriend ko na ito eh" pagmamalaking ani nito.
Anong gagawin nila sakin?
Pinagkrus ko ang braso ko na parang may balak silang gahasain ako.
"Ano ba yung pinagsasabi nyo? Wag na wag nyo kong ibebenta sa mga arabo may pangarap pa ako." Natatakot na ani ko.
Nagtawanan naman mga kaklase ko.
"Ang OA mo Ae-ae. Maupo ka nalang." Tumatawang ani ni Bridget.
Napapahiyang umupo nalang ako. Nakita kong si Kenzo na nakangisi sakin.
"Oh anong ningingiti mo dyan?" Mataray na ani ko.
"Arabo huh. HAHAHA" tawa nito.
Inirapan ko nalang sya at hindi na pinansin.
Dumating na din si Sir Peña kaya tumigil na din syang kakaasar sakin.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Подростковая литератураSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...