Aestherielle's POV
Maraming salamat Ate..
"D-did you call me Ate?" Pagtatanong ko dito.
"Narinig mo naman 'diba?" Natatawang sabi nito.
"Say it again." Paguutos ko.
Tila kay gandang marinig.
"Why?" Natatawa parin ito.
"Please, please. Say it again" pagmamakaawa ko.
"Para kang timang Ate" pinagdiinan nya ang huling salita.
Niyakap ko agad ito ng pagkahigpit-higpit.
"Sobrang saya ko Ari!" Bulong ko dito habang inaayos ang buhok nya.
"Basta Ate, 'wag mo muna sasabihin kay Mama ang lahat ha?" Paniniguro nya.
"Pangako. Hihintayin kong maging handa ka" nakangiting sabi ko.
Niyakap na naman nya ako.
Sabay kaming pumasok sa chapel. Wala pa sila Mama kaya kami munang tatlo ang nagaasikaso sa mga nakikiramay.
Nararamdaman ko naman ang pagtunog ng phone ko sa bulsa ko pero hindi ko nalang ito pinansin.
Maya maya pa ay dumating na din sila Mama kasama si Geofree.
Wala pa man ay nakikita ko ang mugtong mga mata ng bata. Lumapit agad ito sa akin at yumakap.
"Ate, w-wala na ba talaga si P-papa?" Kahit umiiyak ay naitanong parin nya ito.
"Shhh, hindi matutuwa ang Papa kapag nagkakaganyan ka. Tahan na" pagpapakalma ko dito.
"H-hindi mo naman s-sinagot tanong ko e-eh" hagulgol na sabi parin nito.
Hinarap ko sya at hinawakan sa pisnge. Pilit pinipigilan ang emosyon.
"Geofree, mas makakabuti kapag wala na si Papa. I mean, hindi na sya mahihirapan pa. Hindi tulad nung nabubuhay pa sya. Kaya wala tayong ibang gagawin kundi tanggapin ang lahat lahat" pagpapaliwanag ko dito.
Niyakap nya lang ako at umiyak ng umiyak.
Lumalalim na ang gabi mas dumadami pa ang mga nakikiramay.
Pabalik-balik kami, para magbigay ng kape at tinapay sa mga nakikiramay.
"'Diba ikaw yung panganay na anak ni Ruelo." Pagtatanong ng isang matandang lalaki.
"Yes po. Bakit po?"
Ngumiti lang ito at umiling. Kahit naguguluhan ay bumalik nalang ako sa kinauupuan ko. Pero nang tumingin ulit ako sa gawi nya, nakangiti parin ito sa akin.
Ang creepy ampupu.
Hindi ko nalang ulit ito pinansin.
Unang gabi palang ay marami na ding dumalaw kay Papa kaya halos wala din kaming tulog.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Fiksi RemajaSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
