Chapter Thirty-six

65 12 0
                                    

Lanie POV

Masama kutob ko. Feeling ko may nangyaring masama kay Aestherielle. Hindi pupunta si Ate Carla kung wala.

Mukha palang ni Sir nung makabalik.

"I have a bad news everyone" kumalabog ang dibdib ko. "Aestherielle, she attempted suicide" mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Aestherielle, ba't humantong sa ganito?

Nagsipag-sigawan naman ang iba. Humagulgol na din ako sa pag-iyak.

"Guys, relax. Naisugod naman agad sya sa ospital. Okay na din ang lagay nya" pagpapakalmang sabi ni Sir.

Medyo nakahinga ako ng maluwag

"S-sir, saan pong ospital?" Nanghihinang tanong ko.

"Sa Perez General Hospital." Sabi nya.

"Sir pwede p-"

"Go. Ikamusta nyo nalang ako kay Aestherielle" pagputol ni Sir sa sasabihin ni Bridget. "Sa ngayon kayo muna ang pumunta, the rest mamayang uwian na. Okay ba yon?"

Mabilis kaming kumilos nila Eunice.

Lakad at takbo ang ginawa naming tatlo hanggang sa makarating na kami sa parking lot.

Sumakay agad ako sa backseat. Habang sa passenger seat naman si Bridget.

"Eunice! Bilis!" Pag-aapura ko dito.

"Huminahon ka Lanie. Si Sir na nagsabi. Nasa maayos na syang lagay" pagpapakalma ni Bridget.

"Hindi tayo nakakasigurado. Marami pa syang pwedeng gawin." Natatarantang sabi ko.

"Nandoon yung gurdian nya." Sabi ni Eunice.

"Kakaalis lang ni Ate Carla sa school? Isipin nyo? Sino nagbabantay ngayon kay Ae-ae?" Medyo naiinis na sabi ko.

Pinilit kong kumalma habang nasa daan kami.

Pinauna nila akong pinababa sa harap ng ospital habang sila ay maghahanap pa ng puwedeng pagparking-an.

"Text mo samin kung anong room okay? Go!" Pagpapaalala ni Bridget.

Tumakbo na ako papuntang nurse station. Masama na talaga kutob ko.

"Nurse, may pasyente kayong Aestherielle Nandez Torres?" Pagtatanong ko dito.

"Tingnan ko lang po Ma'am"

"Pakibilis nurse."

"Kaano-ano po kayo ng pasyente."

"Kaibigan nya ako. Please sabihin mo na" nagmamadaling sabi ko.

"Room 825 po, sa may 5th floor" pagkasabi nito ay pumunta na ako sa elevator.

Pinindot ko ito ng pinindot pero antagal bumaba. Hindi na ako makapag-intay. Tinakbo ko nalang ang hagdan pataas.

Hindi alintana ang hingal na nararamdaman.

Nang makarating na sa 5th floor ay hinanap agad ang room niya.

Pumasok agad ako nang makita ko na ito.

Tama nga ang kutob ko. Gising na sya at pilit na tinatanggal ang mga nakakabit sa kanya.

"Itigil mo yan Ae-ae" bagamat naiiyak na ay pilit itinatago ito.

"Bakit hindi nyo nalang ako hinayaang mamatay?" Walang emosyon na sabi nito.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now