Aestherielle's POV
Si Kenzo.....
Sobrang seryoso ang mukha nito nang tingnan ko.
Tinanggal ko lahat ng emosyon sa mukha ko. Sinisiguro kong wala syang mababasa kahit ano mang emosyon dito.
"Sorry yung ballpen ko kase." Paghingi ko ng tawad dito.
Nakatitig lang ito sa akin. Para bang inaalam kung anong nararamdaman ko ngayong nakita ko na sya.
Nang wala akong nakuhang sagot sa sakanya ay tumalikod na ako.
Pero nahuli nya ang kaliwang pulsuhan ko kung saan bakat na bakat ang peklat ng kahirapan ko.
Agad kong binawi ito at umiwas ng tingin.
"Yun lang sasabihin mo?" Tanong nito na nagpakunot ng noo ko.
"Ano pa ba ang dapat sabihin ko?" Nalilitong pagbabalik ng tanong ko sakanya.
Pero mas kumunot ang noo ko nang hindi parin sya sumagot.
"Alam mo Kenzo? Ang labo mo." Sabi ko dito.
Tatalikod na sana ako nang may tumawag sa pangalan nya.
Malanding pagtawag sa kanya.
"Kenzo! Halika na, mag-uumpisa na ang exam." Malanding sabi pa nito.
Normal na ba talaga sakanya ang ganoong tono? Tonong malandi?
"Sino ba kase ang chipipay na kausap mo?" Tanong pa nito. "Hoy miss" pag-tawag nya sa akin.
Bumuntong hininga muna ako bago humarap sakanila. Nagpilit naman ako ng ngiti dito.
"May kailangan ka ba Flor?" Pagtatanong ko dito.
Bakas sa mukha nya ang pagkabigla.
"Oh Aestherielle. Girl, buhay ka pa pala." Isang nakakainsultong ngiti ang pinakawalann nya.
"Buhay na buhay. Handa nang bumalik." Pigil inis kong tugon dito.
"Aww sayang." Rinig kong bulong nya. "By the way anong pinaguusapan nyo ng Kenzo ko?" Pinagdiinan nya ang huling salita na binanggit nya.
Kenzo nya? Kailan pa?
Hindi ako nagpahalatang nagulat ako sa sinabi nya.
Nakita ko din ang pag pulupot ng kamay nya sa braso ni Kenzo.
Tumingin ako doon saglit at ibinalik sa kanya ang tingin.
"Sya nalang tanungin mo. Baka kase makasakit pa sayo kapag sa akin nanggaling na namimiss na nya ako. At sobrang saya nya na bumalik ako dahil gusto na nya ako makasama." Nang-iinis kong sabi.
At nagtagumpay ako dahil kitang kita sa pagmumukha nya ang inis.
"Oh, goodluck nalang sa exam nyo. Kitakits next sem." Dagdag ko pa at tatawa-tatawang tumalikod dito.
Pero nang makalayo na ako ay doon na lumabas ang totoong emosyon ko na kanina ko pa pinipigilan.
Ni-hindi ko namalayan na may mga luha na palang tumutulo mula sa mga mata ko.
Masakit pa rin? Bakit ganun? Kingina.
Nang tumunog na ang bell, sign na iyon na kailangan na talaga naming pumunta sa magroom namin. Gumaan-gaan na din ang pakiramdam ko kaya dumiretso na ako sa isang room kung saan ako lang mag-isang mage-exam.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Genç KurguSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...