Aestherielle's POV
You look so pretty, my love
Nagpaulit ulit sa isip ko ang sinabi nya.
Humarap naman ako sakanya at nahuli ko syang nakatitig sakin.
"Bakit tayo nandito? Tsaka saan ba ito?" Tanong ko dito.
Napabuntong hininga muna sya.
"Hindi mo na ba tanda ito? Sa Lian Batangas. And bakit tayo nandito? Celebration ng birthday mo" sabay kindat sa akin.
Teka sa monday pa birthday ko. Sobrang advance naman ata.
"Gumastos pa kayo" nagiwas ako ng tingin sa kanya.
"Anything for you baby" nararamdaman ko parin ang pagtigtig nya sa akin.
"Tigil-tigilan mo ko sa pagtawag ng ganyan" masungit na sabi ko.
"Bakit? Nafafall ka na ba? Babe?" Pangaasar nya.
"Asa ka lang" pang-aasar ko ulit.
Hindi na sya umimik kaya ako ang panalo. Pero hindi ko inaasahan ang susunod na ginawa nya.
Binuhat nya ako ng pa-bridal style papuntang dagat, tsaka hinagis.
"Punyeta kang lalaki ka" sigaw ko dito na ikinatawa nya.
Wala na akong choice kundi maligo nalang.
Nagyaya naman si Kenzo sa malalim na part. Tila kaygandang pagmasdan ang paglubog ng araw at paglitaw ng bilog na bilog na buwan.
"I think, I fall in love with you Aestherielle" pinagdikit nya ang aming noo.
"Nyeta, wag kang ganyan" hinampas ko naman sya sa braso. Nagtawanan naman kami, umahon naman agad kami dahil lumalamig na din.
"Woii, mga may jowa! Kakain na, magsilapitan na kayo dito. Landian ng landian" sigaw ni Lanie.
"Lanie, wag kang highblood" sabat naman ni Claude na ikinasama ng mukha ni Lanie. Gaya ng inaasahan namin ay nagtatalo nanaman sila.
"Tama na yan, nasa hapag oh" suway ko sa mga ito.
Kumain kami ng puno ng kasiyahan. Pero kapansin pansin ang pananahimik ni Jeyoush.
"Jeyoush ba't antahimik mo naman?" sabi ni Claude.
"Trip nya lang, ano ba kase pakealam mo?" Sabat naman ni Lanie.
Hindi na talaga matatapos ang bangayan nitong dalawa na ito eh.
"So Ae! Sasama kami sa pagsundo sa papa mo huh" biglang sabi ni Bridget.
Nagulat ako ng very very light.
"Sure kayo? Baka maabala pa kayo" maingat na tanong ko dito.
"Kahit kailan, hindi naging abala iyon" sagot ni Eunice.
Ngumiti naman ako sa kanila at nagpatuloy sa pagaasikaso kay Geofree.
Nang matapos kumain ay nagpasyang tumambay muna kami sa dalampasigan.
Nakapagpalit na din kame ng mga damit namin. This time, ako na namili ng susuotin ko. Naka ovesized plain shirt lang and maong shorts.
Tila kanya-kanyang partner kami. Sila Lanie at Claude ay nakikipaglaro kay Geofree. Naglalandian na naman sila Eunice at yung nobyo nya. Sila Bridget at Jeyoush ay pawang nakatulala lamang. Habang ako, ay pinagmamasdan silang lahat.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
JugendliteraturSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
