Lanie POV
Hindi nagtagal ay nakatulog na din si Ae-ae. Lumabas na muna ako sa kwarto nya at naupo sa katapat na upuan.
Inalala ko lahat ng ikuwento ni Ae. Hindi ko akalain na ganoon na ang kanyang nararanasan sa murang edad palang.
Hindi ko mapigilang umiyak. Naawa ako kay Aestherielle.
Hindi nya deserve lahat ng ito.
"Lanie my loves" boses ni Claude.
Agad na pinunasan ko ang mga luhang kanina pa tumutulo.
Habang lumalapit sila ay syang pagtalim ngtingin ko kay Claude.
"Halika dito gunggong ka" pagbabanta ko.
Agad naman nagtago ito sa likod ni Kenzo.
"How's she?" Seryosong tanong nito.
"Ang sabi ni Dra. Perez, stable na daw. Hindi naman kadami ang nawalang dugo sa kanya. Thankful dahil naisugod agad sya." Pagpapaliwanag ko.
"Bakit daw nya ginawa iyon" tanong nya ulit.
"Usap tayo mamaya, bisitahin mo muna sya habang tulog pa." Pumasok na ako.
"Oh andito na pala kayo. Nasaan ang iba?" Tanong ni Bridget.
"Shhh. Si pareng Kenzo kase pinapalipad ang kotse nya kaya nauna na kami" bulong ni Claude.
Lumapit agad si Kenzo kay Aestherielle.
Napatingin naman agad sya sa kaliwang kamay ni Ae-ae kung saan naroon ang hiwa nya.
"Tinangka nya maglaslas" sabi ni Eunice.
Nakita kong napapikit sya.
"Tara guys, iwanan na muna natin sila" suhestiyon ni Bridget.
Iniwan namin silang dalawa.
"Kawawa naman si Aestherielle." Pagsasalita ni Claude.
Nakaupo lang sila habang ako ay nagpalakad-lakad.
"Lanie? Pwede bang umupo ka na muna? Nahihilo na ako sayo" pagsuway ni Bridget.
Pero hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Kenzo na alam na ni Ae-ae ang sinabi samin ni Tito.
Kumatok na ako sa kwarto.
"Kenzo usap tayo saglit"
"Kenzo usap tayo saglit" sabi ko
Isinarado ko na ulit ang pintuan. Hindi ko na sya inintay. Naglakad na agad ako.
Pero kahit ako yung nauuna ay naabutan parin nya ako.
Pinindot ko agad ang elevator at pumasok na.
"Sa'n ba tayo mag-uusap?" Pagtatanong nito.
"Rooftop" tipid na sagot ko.
Nang marating namin ay naging tahimik lang ako
"Ano ba pag-uusapan natin? Okay lang ba? Naguguluhan na ako Lanie dahil sa ikinikilos mo." Sabi pa nito.
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
"Lanie" rinig kong pagtawag ni Kenzo pero hindi parin ako tumugon. "Lanie" muling pagtawag nya.
"Alam na nya lahat" nakatulalang sabi ko.
Kumunot naman ang noo nya.
"Ang alin? Diretsohin mo na Lanie" bakas sa mukha nya na naguguluhan na sya.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Fiksi RemajaSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
