Aestherielle's POV
Tinanguan ko lang ito at sumakay na ako. Buti nalang at dalawa ang helmet ng motor nito. Hinihintay ko namang sumakay si Lanie. Pero parang nakatulala lang ito.
"Lanie?" Pag-tawag ko.
"Ayoko Ae-ae. Ayokong sumakay dyan. Ayoko" natatakot na sabi nito.
Nagkatitigan naman kami ni Kenzo.
Bumuntong hininga naman ako at tinanggal ang helmet.
"Lanie, trust me." Sabi ko dito.
"Ae-ae natatakot ako." Na-iiyak na sabi pa nito.
Bumaba na muna ako at hinawakan sya sa balikat.
"Ihahatid kita ng ligtas. Just trust me, wala ka bang tiwala sa kaibigan mo?" Pagtatanong ko dito.
"Pero Ae-"
"No more buts Lanie. Promise. Magtiwala ka lang sa akin." Paniniguro ko dito.
Tumango naman ito at sumakay na ako, nagsuot na din ng helmet.
Ganoon din ang ginawa ni Lanie, tinulungan naman sya ni Kenzo maka-akyat.
Medyo sagabal ang bag ko kaya kinuha ko nalang ang wallet at phone ko. Binigay ko naman ito kay Kenzo.
"Paki-balik sa room. Salamat." Sabi ko pa dito at pinaharurot na ang motor.
Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Lanie.
Tama nga si Bridget. Sobrang traffic, buti nalang talaga at naka-mottor kami.
Medyo malayo din ang ospital na pinagdalhan ni Tita. Nang makarating ay agad kong tinabi ang motor.
Inalalayan ko naman bumaba si Lanie na nanginginig pa.
Hinawakan ko agad ang kamay nito at pumasok na agad kami sa ospital. Dumiretso kami sa emergency room. Pagkahawi namin ng kurtina ay nakita namin si Titang walang malay.
Agad na lumapit si Lanie at hinawakan ang kamay nito.
Habang ako ay nakatayo lamang sa paanan nito.
Maya-maya pa ay dumating na din ang Ate ni Lanie. Si Lalaimie.
"Anong nangyari?" Aligagang tanong nito. Naka-uniform pa itong pangtrabbaho, baka nag early out sya.
"Nag-text bigla ang kapit-bahay. Bigla nalang daw sya nawalan ng malay." Naiiyak na sagot ni Lanie.
Silang tatlo nalang nabubuhay. Dalawa silang magkapatid, habang ang tatay nila ay maagang namatay. Bata palang si Lailanie.
Maya-maya pa ay may dumating na doctor.
"Sinong pwedeng kausapin about sa kalagayan ng pasyente?" Pag-tatanong nito.
"Ako nalang Doc." Pagpre-presinta ni Lanie.
"Sama ako." Sabi ko at sumunod sa sakanila.
"Didiretsohin ko na kayo. The patient is suffering to Breast Cancer stage 3." Pagkasabing pagkasabi ng doctor ay biglang nanghina si Lanie. Napakapit ito ng mahigpit sa akin. "Kailangan na natin syang operahan, I think hindi na kakayanin ng gamot ang sakit nya. We need to do the operation as much as possible. But sad to say, kulang ang kagamitan ng ospital para sa ganitong operasyon." Dagdag panito.
"A-anong pwedeng gawin Doc?" Nanghihina na tanong ni Lanie.
"Ilipat sya sa malaking hospital. Or ipagamot sya sa ibang bansa." Sagot ng doctor. "Kailangan nyong magdesisyon agad. Maiwan ko na kayo, madami pa akong pasyente."
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Ficção AdolescenteSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
