Chapter Two

139 17 0
                                        

Aestherielle POV

"Miss?. Hey miss? Are you okay?" Dinig kong sigaw ni Sir Peña pero nanatili akong tulala sa lalaking kakapasok lang.

"Hey Miss? Are you with us?" Biglang sigaw ni Sir kaya natauhan na ako.

"Po?. S-sorry po." nahihiya kong tugon dito.

"Proceed now, please. We have no time."

"Y-yes sir. Sorry again." Napabuntong hininga nalang ako at sinimulan ang pagpapakilala. "Hi everyone, My name is Aestherielle Nandez Torres. Ae-ae for short." Inilibot ko ang aking tingin sa aking mga kaklase habang may ngiti sa aking labi. Yung iba ay ningitian naman ako at yung iba naman ay ngiwi ang iginawad sakin. Attitude kayooo? Chourr.

"Okay, thank you Ae-ae." Ngiting sabi ni Sir. Tinanguan ko lang sya at umupo na sa upuan ko na katabi ni papang pogii omg.

"Ahmm Mr. Late can we know your name?" Pabirong tawag dito ni Sir. Pero parang walang narinig ito at nakatunghay lang sa bintana na parang walang pakialam.

"Hey Mr. Late?" Tawag ulet dito ni Sir. "Ahmm Ae-ae can you kulbit that boy" Nagulat ako sa pinapagawa sakin ni Sir. Sa'n ko po ba kukulbitin? Ayy charr.

Agad akong humarap dito at kinulbit ang balikat nito. Oo, balikat lang. Sayang dapat sa ano eh kaso nakakahiya.

Lumingon ito sa gawi ko at agad na kumunot ang noo. Aguyyyy, ang sungit, anak ng tokwa naman.

Tiningnan nya lang ako at pawang nagiintay ng kasagutan kung ba't ko sya kinulbit. Kaya naman pala 'di nya naririnig mga tawag ni Sir. Naka earphone pala itong mokong na ito. Inalis nya agad ang mga ito matapos kong tingnan. Parang nahulaan na nya na kailangan nya munang tanggalin ito.

"A-ahmm, kanina ka p-pa kase t-tinatawag ni S-sir". Shuta, Ae-ae kelan ka pa natutong mautal? Nakakahiyaaaaa

Mas lalong kumunot ang noo nito na nagpakaba sa akin ng todo-todo. Nakahinga lang ako ng maluwag ng tanggalin nya sakin ang paningin at ibinaling kay Sir.

"What is it?" Aba, iba din ito sumagot parang hindi namin prof. ang kausap nya ah. "Sir". Ayun naman pala, nahuli lang yung paggalang. Natraffic siguro.

"Maari ka bang magpakilala dito sa unahan?" Nakangiting tanong ni Sir.

Ibinaling ko naman ang tingin ko sa katabi ko at nakita ko syang umiling. Sa halip na pumunta ito sa unahan ay tumayo lamang ito.

"Kenzo Dan Navarro" iyon lang at umupo na ito. Parang walang balak sa buhay ito. Kung ako magulang nito kinotongan ko na ito.

Napabuntong hininga nalang si Sir. Madami pa syang sinabi at agad din umalis nung nagtime na.

Mabilis lumipas ang oras. Ni-hindi ko namalayan na breaktime na agad.

Agad akong niyaya ni Lanie sa Caffeterria. Umorder lang ako ng sandwich. Tipid tipid muna ako ngayon. Agad kong naalala yung problema sa bahay. So mas kinakailangan ko talagang mag tipid. Nakakalungkot lang talaga.

"Woii, nageemote ka dyan? Uso mag sher beh." Natauhan lang ako nung niyugyog nya ako. Ngumiti lang ako sakanya at itinuon ang pansin sa pagkain ko. Hindi ko talaga ugaling mag-open ng problema sa iba lalo na't about family. Kaya pilit ko nalang itong sinasarili.

Lumipas pa ang ilang oras at uwian na. Parang bumigat yung pakiramdam ko. Ayaw ko pang umuwi pero no choice ako.

Nasa labas palang ako at rinig na rinig ko nanaman ang mga kalaro ni Mama sa tong-its. Nakakapanghina, mauubos na nga yung pera namin nagsusugal pa itong magaling ko Mama kuno.

"Nandito na po ako" walang gana kong sabi sa mga ito.

"Oh nakauwi ka na pala. Tamang tama uutusan sana kita mangutang sa tindahan." Sabi ni Mama habang nakikipagsugal sa mga kumare nya.

"Ma, utang nanaman? Baka hindi na tayo pautangin doon dahil 'di pa tayo nakakabayad nung nakaraan." Agad kong tugon dito.

"Anong gusto mo gawin ko? Mag-intay nalang ng babagsak na pagkain?. Diba matalino ka? Ba't di mo gawan ng paraan? Boba ka talaga!" Hiyaw nya sakin. Napapikit nalang ako at tumingala para pigilan ang namumuong mga luha.

Pumunta agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Naka maong short lang ako at plain white shirt. Walang ganang pumunta sa tindahan at nakiusap na sana pautangin kame.

"Aling Jucy, kahiya hiya man po, pero-" 'di ko natuloy ang sasabihin ko dahil naunahan nya ako.

"Naku, Ae-ae mangungutang ka nanaman? Ay naku naman talaga yang nanay mo. Sige sa sugal pero sa pagpapalamon sainyo walang pakialam." Agad na sabi nito. "Ako yung naawa sa iyo eh! Maglayas ka nalang at pabayaan mo silang maghirap. Kung ituring ka parang yaya hindi parang anak! Juskopurudey! Oh ano uutangin mo?" Sunod sunod na sabi nito. Nahiya si Gloc-9 dahil sa bilis ng bunganga nito.

"Ahmm Sardinas lang po at limang itlog po." Yun na ata ang pinakamalambing na tinig na nasabi ko. With matching smile na nahihiya.

Agad namang binalot ito ni Aling Jucy. Nagpasalamat muna ako bago bumalik sa bahay.

Papasok na sana ako ng bigla akong sinigawan ni Mama.

"Ano ba naman yan Ae-ae, uutang ka nalang sardinas pa ulet? Hindi ka ba nagsasawa dyan? Bobo ka ba talaga o hindi ka lang talaga nagiisip? Napaka tanga mo kahit kailan!" Gigil na gigil na bulyaw nito sakin.

"Ma, lalaki kase utang natin kapag mamahaling ulam ang uutangin ko. Pasensya na po." Hindi pa nakuntento si mama at kinurot pa ako sa tagiliran. Napapikit nalang ako dahil sa sakit.

Hindi dahil sa sakit ng kurot kundi dahil sa sakit ng mga salitang binitiwan nya. Ayan nanaman ang mga luhang namumuo sa gilid ng aking mga mata.

--------------------------------

Muwappsss :*

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now