Prologue

438 24 6
                                    

I am trying my best, but why am I still useless?

"Paano ka?"
"Paano sya?"
"Paano sila?"

Mga tanong na lagi kong tinatanong pero niminsan, 'di ko man lang naitanong kung "paano ako?". Selfish parin ba ako, sa kabila ng mga ginagawa ko?

17 years old? sa murang edad tila nahihirapan sa mga problemang sa pamilya ko mismo nagmumula.

Sa sobrang daming problema, sumagi na sa munting isipan ang pagpapatiwakal. Ngunit nanaig parin ang pagmamahal sa pamilya.

Pamilya kung saan, turing sa akin ay isang basura.

Ngunit lahat ay nagbago noong dumating sya. Maasahan at masasandalan sa kahit anong mang oras.

Pero ang kapalit, ay napaka sakit.

Tila nanumbalik ang lahat sa nakaraan ko. Ni-hindi ko namalayan na may tumutulo na palang likido sa aking pisnge. Natauhan nalang ako ng biglang may kumatok sa aking office. Agad ko naman pinunasan ang mga luha na tumutulo sa aking mga mata.

"Hey, Ae-ae are you ready to meet them?" Tanong nya.

"Yah, I'm ready. Just give me a 10 minutes may tatapusin lang ako. You can wait in the car." Ngiting sagot ko dito.

Ngumiti lang sya at isinarado na ang pinto. Bumuga ako ng malalim na hininga. "Kayanin mo ito Ae-ae. Kaya mo ito." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Agad kong tinapos ang mga papers na nasa table ko at pumunta na sa parking lot kung saan sya nagiintay.

"Let's go?" Tanong nya agad sakin. Tumango lang ako sakanya at pinagbuksan nya ako ng kotse. Ningitian ko sya at nagsabi ng Thankyou.

Tila kinakabahan ako. Bawat segundong lumilipas ay mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam. Napansin nya ang pagkabalisa ko kaya tinanong nya agad ako.

"Hey, what's the matter?" Tanong nya sakin, ang paningin ay nasa daan parin syempre.

"Matter? Matter lang 'di mo alam? Matter is the thing that forms a physical objects, and occupies space. Matter also has a volume and mass. " Sagot ko dito.

Napasulyap sya sakin at kumunot ang noo nya.

"Tss, I know the meaning of that. I mean, anong problema mo? Lutang ka nanaman". Masungit na tugon nito sakin

"Ahh yun ba ibig mong sabihin? Sabihin mo kase agad. Hindi yung nagpapaligoy-ligoy ka pa. Hindi kaya ako manghuhula." Muling sagot ko dito.

"Can you just answer my fvcking question. Can you? Andami mo pang sinasabi dyan." Parang nauubusan na ng pasensya na ani nya.

"Ba't ka galet? Sasagot naman talaga ako eh, nauna-" 'di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sumigaw na sya.

"Damn Babe!" Asik neto.

"Oh relax lang love. I'm okay. I'm just worried. Baka kase hindi parin nila ako tanggap hanggang ngayon." Pahina na nang pahina kong sagot sakanya. Napayuko nalang ako at pinaglaruan ang sarili kong mga daliri.

Hinawakan nya ang kamay ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Everything is gonna be okay, think postive my love." Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

Mga ngiti na nakakahawa. Napangiti ako sakanya at saka bumuntong hininga.

Lumipas pa ng ilang minuto ay nakarating na din kami sa aming pakay. Huminga muna ako ng malalim at tsaka nya ako inalalayan papasok sa isang bahay.

Isang bahay na puno ng hinanakit, isang bahay na puno ng mga ala-ala, isang bahay kung saan ako pinalayas, isang bahay kung saan naging miserable ang aking buhay. Dito sa bahay na ito nakatira ang kinilala kong pamilya. Pamilya na ang turing sakin ay walang kwenta.

Eto na Ae-ae. Sana kayanin mo.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now