Chapter Fifty-nine

69 7 0
                                        

Aestherielle's POV

Naging smooth naman ang performance ko at luckily nakuha ako bilang isa sa mga dancers.

Nagbibihis na ako sa dressing room ng hall na ito, pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Kenzo.

"C'mon Aestherielle. It's just a simple words from him. Bakit nagkakaganito?" Bulong ko sa sarili ko.

Nakatingin lang ako sa salamin. Tapos na din ako mag-bihis pero nakalutang pa rin ang utak ko.

"Ae-ae? Hindi ka pa ba tapos?" Tanong ni Lanie. Nasa labas kase sila, at hinihintay ako. Balak din namin lumabas para icelebrate ang pagpapili sa akin.

"Saglit nalang." Sigaw ko din dito. Huminga naman ako ng malalim bago lumbas.

Maging marupok ay iwasan, para hindi ulit masaktan.

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko, ang motto ko sa buhay.

"Huy Ae-ae!"

"Marupok!" Gulat kong sabi dahil sa biglang pagsulpot ni Lanie.

"Nayyy, marupok daw. Tinatawag 'yung sarili." Pang-aasar nito.

"Ba't kase bigla-bigla ka nalang susulpot." Pagtatanong ko dito.

"Tagal-tagal mo. Nag-iintay na 'yung dalawa sa labas." Sabi pa nito habang papalabas na kami ng hall.

Agad kong kinuha ang phone ko para tingnan ang oras, hindi ko pa pala suot ang watch ko.

Gayun nalang ang paglaki ng mata ko nang makitang 6:45 PM na. At madilim na din ang langit.

"Shems, gabi na pala." Sabi ko sa mga ito.

"Hindi ghorl, madaling araw lang." Sagot naman ni Lanie at nanguna na mag-lakad.

"Joke 'yon? Kailangan naming tumawa?" Sigaw ko dito.

Nag-korean restaurant nalang kami. Hindi rin ako kumain ng madami dahil gusto kong sumabay ng hapunan kila Mommy. Nang matapos kaming kumain ay hati-hati na din kami magbayad.

Dapat ako na kase ang mag-babayad pero pinigilan nila ako.

Nag-paalam na din kami sa isa'ts isa. Sumakay na din kami Lanie sa kotse ko.

"Okay ka lang ba talaga mag-isa sa bahay nyo?" Pag-tatanong ko habang magdri-drive. Malapit na din kami sa bahay nila.

"Oo Ae. Sana maging ayos na din si Mama." Sabi nito habang nakatingin sa labas.

Hinawakan ko naman ang kamay nito.

"Magiging okay ang lahat." Sabi ko dito.

Maya-maya pa ay naihatid ko na din sya. Pagkatapos nito ay umuwi na din ako.

Pagkauwi ko ay agad akong sinalubong ni Mommy.

"Kumusta 'nak?" Tanong nito at humalik sa pisngi ko.

"Nakapasok po Mom." Ngiting sabi ko.

"Really? Galing galing ng anak ko." Masayang sabi nito.

Nag-paalam naman na magsho-shower muna ako.

Bumaba naman agad ako pagkatapos. Naabutan ko silang naka-upo na at tanging ako nalang ang hinihintay.

Kumain na agad kami. Pagkatapos nito ay sinamahan namin ni Ate Carla si Geofree mag-aral sa living room. Sila Mommy at Kuya naman ay nauna na matulog.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now