A/n: Module muna bago wattpad! Keribels nyo 'yan fighting! Enjoy reading<3
Aestherielle's POV
"Ma'am. Bakit hindi pa kayo nagpapakasal?" Tanong ng isang estudyante habang may ginagawa silang activity.
"Oh bakit mo naman naitanong iyan?" Tanong ko din dito.
"Wala lang Ma'am. Kase 'diba tapos na kayo mag-aral, tapos teacher na po kayo ngayon. Pamilya nalang po ang kulang." Sabi pa nito.
"Oo nga Ma'am. Tapos si Ma'am Lanie ikakasal na. Napag-iiwanan na po kayo." Sabi pa ng isa.
"Aba, pati ba naman 'yon alam nyo na?" Takang tanong ko sa mga ito.
"Oo naman, yes Ma'am. Pinost nila facebook ni Sir Claude eh." Sagot nung isa.
"Oh sya, sya. Tama na, chismis. Kayo'y magsagot na." Sabi ko sa mga ito. "Last five minutes." Dagdag ko pa.
"Ma'am naman"
"Ma'am extend, another five minutes Ma'am."
"Ma'am wait.
"Saglit lang Ma'am."
Iba't ibang sigaw ng mga estudyante.
"Essay lang iyan. Kayo nga, sige sa pagcha-chat ng long sweet message sa mga jowa nyo, eh maghihiwalay din naman kayo." Sabi ko pa dito.
"Ma'am ang bitter." Sigaw pa ng isa.
"Tapusin nyo na. Nanakit na kamay ko, gusto ko ng manampal." Kunwaring seryosong sabi ko sa mga ito.
Totoong ikakasal na sila Claude at Lanie sa susunod na linggo.
Naunahan pa ako ng gaga.
Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.
Mabilis lumipas ang araw at bukas na ang kasal nila Lanie. Tapos na din ang engagement party nila. Kaya heto kami ngayon, nasa condo unit ni Lanie at sinusulit na namin ang huling araw na Vizon pa ang surname nya.
"Damn you Lanie!" Sigaw ni Bridget. Medyo lasing na sa iniinom nilang Black label.
"Oh bakit nanaman?" Tuwid na tanong ni Lanie so it means hindi pa sya lasing at bawal syang malasing. Kaya 'yung dalawa yung lasing na lasing.
"Sabi mo tatanda ka ng dalaga? Bakit naunahan mo pa kaming magpakasal. Tanga ka." Sabi pa ni Bridget.
"Nag-propose sya eh. Edi sinagot ko na." Sagot naman ni Lanie.
"Damn you! Fuck you! Taenamo!" Lasing na sigaw pa ni Bridget.
"Tama na 'yan Bridget." Paglalayo ko sakanya ng inumin. "Tumayo ka na dyan, hahatid na kita sa kwarto. Lasing na lasing ka na." Sabi ko dito. Pero nagmatigas ito kaya wala kaming choice kundi pagtulungan itong buhatin. Lumabas naman agad si Lanie pagkatapos maihiga.
Pinunasan ko naman ang buonh katawan nito at binihisan. Inalis ko na din ang make-up nya. Nang matapos ako ay lumabas din agad ako.
Pagbalik ko ay naabutan ko na si Eunice na umiiyak. Nakasandal na sya sa balikat ni Lanie habang humihikbi.
"Bakit daw?" Pabulong kong tanong kay Lanie.
Sumenyas naman si Lanie na huwag akong maingay.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Teen FictionSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
