Chapter Sixty-five

51 6 0
                                    

A/n: Ambabait ng mga "grey babies" ko<3 And ofcourse thank you so much jadebernalynnnnn mahar ko kayo<3 Enjoy reading!

Aestherielle's POV

"Hmmm birthday gift?" Tanong nya habang hinahatak ako papasok sa bahay nila.

"A-ahmm ano kase... Hindi ako nakapag-ready" nahihiyang sagot ko dito.

Hindi naman ito nagsalita kaya mas lalo akong nahiya dito.

"Aestherielle, ija" pagbati ni Tita Juliet. "Long time, no see. Sabi ko dumalaw ka dito pag may time, tampo ako sayo ha" dagdag pa nito.

"Sorry po Tita, naging busy din po kase ako sa trabaho and sa school" nahihiyang sabi ko pa dito.

"It's okay, I'm happy to see you again" nakangiting sabi pa nito. "Oh sya, Kenzo. Pakainin mo na si Aestherielle." Pagbaling niya kay Kenzo.

Sumilay naman ang nakakalokong ngisi sa mukha ni Kenzo.

Lumapit ito sa akin at bumulong.

"Pakainin daw kita" nakakalokong bulong nito.

Lumingon agad ako kay Tita, buti nalang at busy na ito sa pagkausap sa mga maids.

Siniko ko naman ang sikmura ni Kenzo.

"Ouch" mahinang pagdaing nya.

"Manahimik ka." Pagbabanta ko dito.

Natawa naman ito dahil sa inasta ko.

Sinamahan naman nya ako sa kusina at pinaghanda ng makakain.

"Busog pa naman ako." nakangusong sabi ko dahil isang damakmak na pagkain ang nasa plato ko.

"Ampayat-payat mo na nga." masungit na sabi nito.

Wala akong nagawa kundi kinain nalang ito. Nakakailang pa dahil sa bawat pag-subo kp nakatingin si Kenzo.

"M-may dumi ba ako sa mukha" tanong ko dito.

"Wala. I just can't believe na sa akin ka na ulit" namamanghang sabi pa nito. Nangalumbaba naman ito.

"Kenzo, pwede mamaya ka na gumanyan. Nakain ako oh, ayokong kiligin." Masungit na sabi ko dito. Pero sa loob loob, pinapatay na ako ng kilig.

The way he stare at me, para bang ako na ang pinakamagandang babae sa mga mata nya.

Palihim naman akong napangiti.

Nang matapos akong kumain, niyaya naman nya ako sa kanilang rooftop.

Agad din akong sumama dahil gusto ko din makita ang mga stars and moon.

Pagkarating namin dito, namangha agad ako dahil sa ganda ng set-up nito.

May nakalatag na kumot kung saan, doon kami mahihiga. May wine and snacks din.

"Oh sino nagset nito?" Tanong ko.

"Si Mommy." Sagot nito at nanguna ng humiga.

Hinubad ko naman agad ang heels ko at sumunod sa kanya. Tinapik naman nya ang tabi nya, kaya agad akong nahiga dito. Nilatag naman nya ang braso nya para magsilbing unan.

"Ganda ng stars. Bilog na bilog ang moon" manghang-mangha kong sabi.

"Pero alam mo kung ano mas gaganda dyan?" Tanong nito. Napatingin naman ako dito.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now