Chapter Eleven

76 15 0
                                    


Aestherielle's POV


Hindi agad ako nakatulog ng kagabihan. Iniisip ko parin ang sinabi ni Kenzo.

Ayokong mag-aasume dahil sa sinabi nya.

"Tama na ang kakaisip Ae-ae. Walang ibigsabihin ang sinabi ni Kenzo okay?" Pangungumbinsi ko sa sarili.

Inabot ako ng 2 kakaisip kay Kenzo. Kaya 3 hours lang ang tulog ko. Nagmukha tuloy akong sabog ngayon.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo Kenzo Dan!" Para akong tangang kinakausap ang sarili.

Kahit inaantok ako ay pinilit ko parin pumasok. Wala naman kaming pag-aaralan pero kailangan kong umattend dahil Halurrr, candidate ang lola nyo oh!

May rehearsal kami para bukas. Magpra-practice na din ako ng talent ko.

Pagkarating ko kaagad sa room antok na antok parin ako.

"Ghorl inaantok pa ako" sabi ko kay Lanie.

Busy sila magayos ng mga upuan. Nilalagay nila sa gilid para may space ako para sa pagprapractice namin mamaya.

Ewan ko ba sa mga kaklase ko. Ayaw nila akong pagpraktisin sa may hall baka daw makita ng mga kalaban.

After lunch pa ako magrerehearsal kaya ngayon sa room muna ako rarampa.

"Woi Lanie. Pansinin mo ko" inaantok na sabi ko.

"Oh ano ba sinasabi mo?"

"Gusto ko pang matulog"

"Ano ba kasi ginawa mo kagabi?"

Hindi ako nakasagot. Ayokong magsinungaling sa kanya.

"Wala may iniisip lang ako." Hindi ako nagsinungaling. Talaga namang may iniisip ako.

"Nakuu pamilya mo nanaman noh? Jusq sabihin mo nga sakin. Sinasaktan ka ba nila?"

Nagulat ako sa sinabi nya.

This time, nakapagsinungaling na ako. "Hindi naman" pilit na ngiting sabi ko.

Narinig kong napaubo si Kenzo. Tiningnan ko ito at nakikinig pala sa usapan namin.

Sinamaan ko lang sya ng tingin, buti nalang umiwas sya. Mukhang naiilang na din ako sakanya.

"Oh guys. Tutulog na muna ang ating Gandara. Hindi daw nakatulog kagabi. Kung ano ano kasi iniisip." Sigaw ni Lanie

"Woi Ae-ae ayos ka lang?"

"Sige Aestherielle, kami muna bahala"

Sigaw naman ng mga classmate ko.

"Gusto mo unan? Kumot?" Sigaw ni Jeyoush.

"Shuta. Sa'n ka naman makakakuha no'n Jeyoush?" Sabi ni Lanie. Nakapamewang pa at nakataas ang isang kilay.

"I can find ways basta si Aestherielle."

Tumingin naman ako kay Jeyoush at kinindatan nya ako.

"Tumigil ka, kung mahal mo pa buhay mo" sabi ko bago tumungo at matulog.

Hinayaan nila akong matulog kaya sobrang Thankful ako sakanila.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising lang ako ng gisingin ako ni Lanie

"Ae-ae. Gising na. Magprapractice na daw kayo."

"Uhm-uhm" sabi ko.

Malaking tulong ang pagidlip ko. Medyo omokay-okay naman ako.

"Anong oras na?" Tanong ko kay Lanie.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now