A/n: Wassup mga kasap-sap. Nasanay lang ako ng may Author's Note hehe. Enjoy reading<3
Aestherielle's POV
"Anak. Ikaw nga'y mag-pahinga na muna. Tutok na tutok ka dyan sa laptop mo." Sabi ni Mommy nang makapasok sya sa kwarto ko.
"Hindi pa ako tapos sa powerpoint, Mom. Need ko na ito." Sabi ko pa dito.
Sobrang kalat ng kwarto ko ngayon dahil andami kong ginagawa. Mga visual arts, powerpoint. At mga kakailangan ko bukas for final demo.
Ilang buwan na ang lumipas and yes, nag-start na ako ng practice teaching sa isang secondary high school. And tomorrow is my final demo. After that, titingnan nila kung pasok at may potential ba ako sa pagtuturo.
"Need mo ba ng help?" Alok ni Mommy.
"Yes Mom, please." Tumingin ako dito at ningitian naman ako.
"Ano ba pwede kong gawin?" Tanong nito.
"'Yan po Mom. Pwedeng pakigupit para maging designs? Kahit ano po." Turo ko sa mga colored papers.
Naging busy kami ngayong gabi. Pati si Geofree ay nakatulong na din sa pag-gawa ng visual aids.
Nang matapos ko ang powerpoint ay pina-print ko na din kay Geofree ang lesson plan ko.
"Tapos ka na ba lahat?" Tanong ni Mommy. Malapit na din maghating gabi.
"Kailangan ko pa pong aralin lahat ng ito Mommy. Para sure pong maipapasa ko ang kaalaman ko sa mga bata." Sabi ko dito habang binabasa ang ginawa kong powerpoint. "Mauna na po kayong matulog Mommy. Mukhang pagod na kayo, thank you po sa lahat Mom." Lumapit ako dito at humalik sa pisngi nya.
"Welcome. Oh sya, ikaw din matulog na. Mas mabuting bukas na ng madaling araw kang mag-basa. Mas maganda kalagayan ng utak mo sa mga ganoong oras. Goodnight sweetie." Paalam nito at sabay na sila ni Geofree lumabas.
Inisa-isa ko pa lahat ng lessons na idi-discuss ko bukas. Hanggang sa makatulugan ko na.
2 AM ako nagising halos apat na oras lang ako nakatulog. Pero kailangan ko pang mag-focus para pulidong pulido mamaya.
Binasa ko ulit ang lesson plan ko. Inayos ko na din lahat ng visual aids. Lahat na ata ay inayos ka nang inayos.
Inaamin ko, abot langit ang kaba ko ngayon. Hindi ko alam kung anong magiging resulta nito pero ang alam ko lang ay gagawin ko lahat ng best ko. May tiwala din ako sa mga grade 8 students ko.
Maya-maya pa ay napagpasyahan ko na munang ipahinga ang sarili ko. Kailangan ko ng pahinga para may tamang lakas ako mamaya.
Bigla naman tumunog ang phone ko at nakikipag-VC si Lanie sa GC namin. Sinagot ko naman agad ito.
"Oh kumusta ghorl?" Tanong agad nito.
"Ayos lang. Sabog na sabog." Sagot ko dito.
Bigla naman nag-join sila Kenzo at Bridget.
"Morning." Bati ko sa mga ito.
"Tutulog palang ako mga pare." Inaantok na sabi ni Bridget.
"Lah? Ano ba lesson mo?" Tanong ko dito.
"Electricity." Inaantok na sagot nito.
"Matulog ka na. Pero sa bagay, hapon naman schedule mo." Sabi pa ni Lanie.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Ficção AdolescenteSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
