Aestherielle's POV
Nagising ako ng namumugto ang mata at may pasa sa gilid ng labi. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga kaklase ko. Balak ko sanang wag nalang pumasok pero mas magtataka sila.
Unti unti akong bumangon para maligo. Kahit sa pagligo ay hindi ko maiwasang umiyak dahil sa nangyari kagabi.
Nakita ko ang sarili ko sa salamin. Miski ako ay naawa na sa sarili ko. Namamaga ang mata at may pasa pa sa gilid ng labi.
Tahimik lang akong lumabas ng kwarto. Nadatnan ko silang kumakain pero hindi na ako nag-abalang kumain. Dumiretso na agad ako sa sakayan ng jeep.
Nakapagtext na din ako kay Kenzo na huwag na akong sunduin. Naka-face mask ako ngayon at naka sun-glasses. Para hindi mahalata ng mga tao, pero no choice ako kapag pinahubad iyon ng mga kaklase ko lalo na si Lanie.
Tahimik lang akong pumasok sa school. Good thing na wala pang masyadong estudyante kaya hindi ako napapansin.
Konti palang kami sa classroom. Yung iba ay tinanong ako kung okay lang ba ako, sinagot ko naman agad ito.
Pagkaupo ko ay wala pa sila Lanie kaya umub-ob na lang ako para subukang matulog. 7:30 pa naman, 8am pa klase namin kaya may time pa.
Nagising lang ako ng yugyugin ni Lanie ang balikat ko.
"Ghorl, gising. Ayos ka lang?" Tanong na agad nya.
"Ahh oo. Ayos lang ako" nilibot ko ng tingin ang buong room. Bakas sa mga mata nila ang pagaalala lalo na si Kenzo.
"Ghorl ayos ka lang ba talaga? Natulog ka ng may sun-glasses tas andito ka na sa loob suot mo pa yan? Yung totoo?" Sabi naman ni Eunice.
Hindi ko inaasahan ang pagalis ni Lanie ng sun-glasses ko. Kaya nakita nila ang namumugtong mata ko.
"Ngayon mong sabihin na okay ka!" Galit ngunit nagaalalang sabi ni Lanie.
"A-ahmm ano kase, nagkaperiod ako k-kagabi. Sumakit ang puson ko kaya ako u-umiyak. Oo tama, yun nga" pagsisinungling ko.
Ngunit hindi ko nanaman inaasahan ang pagtatanggal ni Lanie ng face mask ko. Doon na nagulat ang mga kaklase ko.
"Kapag ba masakit ang puson kailangan may pasa sa gilid ng labi huh Aestherielle?! Wag mo 'kong pinaglolok, dahil alam ko na nextweek pa ang period mo! Ano ba Ae-ae?! Kelan ka ba magsasabi sakin na ginaganyan ka nila?!" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Lanie.
Umiling ako ng umiling at tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay at humagulgol ng humagulgol.
Narinig kong bumuntong hininga si Lanie bago kong naramdaman ang pagyakap nya sakin.
"Shh.. Tahan na.." Sinabi nya habang hinahaplos ang buhok ko. "Ano ba kase ang nangyari? Sabihin mo sakin" pamimilit nito. Pero hindi pa ako handa.
Hinila ko sya palabas para kami lang magusap dalawa.
Nang mahimasmas ako ay tsaka ko nilahad sa kanya ang lahat lahat.
"Aba'y nakakaputa naman pala eh! Bakit hindi nalang sya maging masaya? Nakuu yang nanay mo, isa nalang talaga Ae-ae" gigil na gigil na sabi ni Lanie.
"Lanie, sayo ko lang ito sinabi. Sana wala ng makaalam." Pakikiusap ko dito.
"Bakit kase nags-stay ka pa sa bahay na yon?" Tanong nya.
Kung ako tatanungin gusto ko na din umalis kasama si Papa.
"May balak ako Lanie. Gustong gusto ko na din umalis pero inaalala ko si Papa. Ayokong iwan sya dun. Siguro kapag nakatapos na ako ng pag-aaral, kapag may napatunayan na ako. Aalis kami ni Papa" nakatulalang sabi ko.
"Kelan pa yun Ae-ae. Baka bumigay na katawan mo. Magisip ka nga. Pwede ka pa naman makipagcommunicate sa Papa mo kahit wala ka na du sa bahay na iyon."
"Ang totoo, hindi pa kami ulit nakakapagusap ni Papa. Hindi ko nga alam kung alam nya ba pinaggagawa ni Mama sa perang pinapadala nya eh."
"Alam mo, walang kasing sama yang nanay mo. Nakuuu Aling Violie! Napaka walang kwenta mong nanay!"
"Wag mong sabihin yan Lanie. Naging mabuti syang nanay... kila Ari nga lang" malungkot na sabi ko.
"Oh ano balak mo?"
"Magtiis. Mag-aral. Magtrabaho."
"Kapag may kailangan ka sabihin mo samin. Andito lang kami" hindi ko napigilang yakapin sya.
Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na gaya nila.
"I love you" bulong ko.
"Wag na wag mo akong gagawing jowa baliw"
"Sa jowa lang ba dapat mag iloveyou?!"
Parehas kaming natawa at bumalik na sa room. Buti nalang dumating ka agad si Sir. Hindi na sila nagtanong.
Maraming pinaggawa samin ang mga prof. kaya wala ata akong time para makapaglunch.
Ako lang ang natira sa room. Tinanong nila ako kung kakain ba ako pero sabi ko susunod nalang ako. Pero parang wala na atang time talaga.
Abala ako sa pagsusulat ng napakarami ng may maglapag ng pagkain sa harapan ko.
"Kumain ka" malamig na tugon ni Kenzo.
"Thankyou pero hindi ako gutom" nagsinungaling nanaman ako.
Ang totoo gutom na talaga ako, hindi pa ako nakain simula kanina pa.
"Ang alam ko ay hindi ka pa nakain ng umagahan. Hindi ka parin nagugutom?" Medyo galit sa tono nito.
Nag-angat agad ako ng tingin. Alam nya na hindi ako kumain?
"Paano mo nalaman iyon?"
"See? Sinusubukan lang kita pero sayo na nanggaling" naiinis na tugon nito.
Napapahiya akong tumungo.
"Kumain ka na. Wag mong intayin na magalit pa ako" sabi nya.
"Mukhang galit ka na nga"
"Dahil 'di mo inaalagaan ang sarili mo"
Nag-angat ulit ako ng tingin at nakita ko sa mga mata nya ang galit.
Wala akong nagawa kundi kumain. Mas lalo pa ata syang magagalit kapag hindi ko sya sinunod. Naupo naman sya sa tabi ko.
"Kung hindi pa kita dinalhan, hindi ka nanaman kakain" masungit na sabi nito.
"Teka nga. Ba't ba ang sungit sungit mo ngayon? May kasalanan ba ako sayo? May nagawa ba ako?"
"Hindi mo kase inaalagaan sarili mo."
"Eh ano naman sayo aber?"
Hindi sya sumagot. Hinilot lang nya ang sentido nya. Sign na iyon na nagpipigil na sya ng galit.
"Bakit hindi ka makasagot?" Mataray na sabi ko.
"Kung hindi mo kayang alagaan ang sarili mo..." Hindi nya naituloy ang sasabihin nya.
"Oh ano?" Tanong ko.
"Ako ang mag-aalaga saiyo"
--------------------------------
Muwapss :*
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
