Chapter Thirty-one

53 11 0
                                    

Kenzo's POV

Nakikita ko syang umiiyak, humahagulgol at nanghihina. Pero wala akong magawa.

At wala akong dapat gawin.

Gumising ka nga Kenzo, iyang babae na yan ang nanakit sayo. Iyang babae na yan ang gumamit sayo. Hindi mo dapat kaawaan yan.

Nagsuot nalang ako ng earphones para hindi na marinig ang paghikbi nya.

Nang maguwian ay ganun parin ang ginagawa ko. Diretso sa bahay kakain at hihiga na.

Habang nakahiga ako ay biglang may kumatok.

"'Nak pwede tayo mag-usap?" Boses ni Daddy.

"Pasok, Dad"

Binuksan nya ng dahan dahan ang pintuan at nakangiting pumasok.

"Yes, Dad?" Tanong ko agad dito.

"Nabalitaan mo na ba?" Kinakabahan ako sa tanong nya ah.

"Ang alin, Dad?"

"Aestherielle's dad, he is so critical. I heard machine nalang ang sumusupport sa life nya." Sabi nya.

Hindi ko inaakala ang sasabihin nya iyon. Kaya pala ganun nalang kaproblemado si Aestherielle.

"And so?" Tanong ko dito na ikinanuot ng noo nya.

"Hindi ka ba nag-aalala?" Tanong nito.

"Dad, wala ng namamagitan sa amin ni Aestherielle" pangangatwiran ko dito.

"And so?" Panggaya nya sakin.

"So, meaning wala na akong pakealam sa kanila"

"What a stupid answer" masungit na sabi nito. "Hindi ganyan ang Kenzo na anak ko" striktong sabi nito.

"Pero Dad, nasaktan ako"

"Oo nasaktan ka, pero sya? Hindi ba sya nasasaktan? Kung ano mang sakit ang nararamdaman mo, wala pa iyan sa katiting na nararamdaman nya ngayon, Kenzo" nangangaral na tono nya.

"Dad, ba't ba puro kayo Aestherielle. Ako, anak nyo ni Mommy pero sya kinakampihan nyo"

"Panget ng mindset mo" seryosong sabi nito. "Hindi sa kinakampihan namin sya. Unang una, ilugar mo yung sarili mo sa sitwasyon nya. Ilugar mo yung sarili mo kung saan ang daddy mo ay nag-aagaw buhay na. Ilugar mo ang sarili mo sa sitwasyong wala kang makakapitan sa pamilya. Pangalawa, sayo na din nang-galing dati na pinagmamalupitan sya ng nanay at mga kapatid nya. Ngayong ganun ang sitwasyon nya, sino nalang ang tutulong sakanya? Pangatlo, ikaw. Ikaw na kinakapitan nya, bumitaw ka Kenzo. Binitawan mo sya" tuloy tuloy na sabi nito.

"Pero Dad, hindi ko sya binitawan. Sinaktan at ginamit nya ako" pangangatwiran ko.

"Hindi mo alam ang tunay na nangyari. Ni-hindi mo nga sya pinagpaliwanag eh. Ngayon ang tanong ko, alam mo ba ang tunay na nangyari?"

Umiling ako sakanya.

"Oh, hindi mo pala alam eh. Kinausap mo na ba sya?" Pagtatanong nya ulit.

Umiling lang din ako sakanya.

"Tsk.. Tsk.. Tsk.. Tapos ngayon ikaw pa ang magpapa-victim? Mali yan"

"Pero Da-"

"Pero Dad, nasaktan nya ako" panggagaya nya sa sinabi ko. "Tsaka mo na sabihin yan pag sure ka na" seryosong sabi nito.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now