Chapter Twelve

75 13 0
                                        

Aetherielle's POV.

Gaya ng sinabi nila Bridget. Hindi ako nagpa-stress ngayong gabi. Palihim ding naghatid si Kenzo ng dinner ko. Good thing, hindi ako nasita or napagalita ni mama. Hindi nila ako pinapansin kanina pa, mas mabuti na yon kaysa naman sa pagalitan nila ako.

Bago ako natulog ay naglagay muna ako ng Aloe Vera Soothing Gel, yun kase ang sabi ni Bridget. Nakakapang fresh daw ng mukha. St. Ives Blackhead Clearing naman binigay ni Eunice para daw hindi maging oily mukha ko.

Sinunod ko lahat ang utos nila mga 8pm din ako nakatulog. Kaya ganun nalang kaganda ang paggising ko.

Wala pa naman akong nagagawa ay feeling ko ay fresh na fresh ako.

Tiningnan ko ang orasan sa side table ko at 4am palang. Kailangan kong maging maaga dahil may isang pasada pa ng practice para sa talent ko.

Sasayawin ko ang mga sikat na sayaw noong 80's and 90's remix yon kaya mas nakakapagod, pero keri naman.

Tiningnan ko mukha ko sa salamin at mukhang fresh na fresh talaga. Good thing, clearskin ako at walang allergic sa mga make-up kaya kahit anong make-up pwede sakin.

Tumagal ako ng isa't kalahating oras sa pagligo. Syempre ghorl kailangan ng maghilod ng todo todo.

Nagsuklay at nagayos muna ako bago lumabas. Naabutan ko silang kumakain kaya nakisalo ako.

"Ate ba't ang ganda mo ngayon?" Tanong ng bunso namin si Geoffrey.

"Ahmm ano kase. Sasali ako sa pa-" hindi ko naituloy dahil sa sinabi ni Mama.

"Kailan pa gumanda yan? Kumain nalang kayo at wag ng madaming kuda" panglalait ni Mama.

Relax Ae-ae. Wag kang magpapaapekto.

Pagkatapos ko kumain ay nagtoothbrush na ako at kaunting polbo at liptint lang ginawa ko at pumasok na.

Pero laking gulat ko ng tumawag si Kenzo.

"Hello Kenzo? Paalis na ako"

"Nasa kanto ako intayin kita" yun lang at ibinaba na nya ang linya.

Nasa kanto na sya? Teka anong oras palang? Nagtataka man ay naglakad nalang din ako. Nakita ko ulit syang nakasandal sa kotse nya.

"Kenzo, ba't ang aga mo?" Tanong ko habang tinitingnan ang relos ko.

"Medyo magiging hassle sayo kapag nagjeep ka pa." Sagot naman nya habang pinagbubuksan ako ng pinto.

Wala akong nagawa kundi sumakay. Naging tahimik naman kami hanggang sa makarating na kami sa school. Medyo awkward.

Nadaanan namin ang hall at andaming estudyanteng busy sa pagpapaganda ng hall. 3pm pa naman pageant kaya marami pang time maghanda.

Hanggang sa makarating kami sa room ay wala paring imik si Kenzo. Baka bad mood sya kaya hindi ko na din sya pinansin

"Ayan na si Gandara mga pare" sigaw agad ni Lanie.

Ngayon palang nanlalamig na kamay ko dahil sa kaba.

"Ghorl ang fresh" sabi naman ni Bridget.

Ngumiti lang ako sakanya.

Nilibot ko ang tingin sa mga damit na susuotin ko mamaya. Napapikit ako ng makita ang isang Tube at Cycling shorts na parang gown na din sya kaso kita parin ang buong katawan ko. Eto daw kase ang aming Theme Wear Costume. Magmumukha akong dyosa ng kalupaan kapag sinuot ko ito. Parang Danaya in Encantadia ang peg ni Mama Jups, yung nagdesign non.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now