Aestherielle's POV
Hindi nila gugustuhin? Sinong sila?
"S-sino po sila?" Naguguluhang sabi ko.
"Sa ngayon, hindi mo pa talaga maiintindihan. Pero kapag nalaman mo na lahat, pangako aalisin ka na nila dito." Mas lalong nagpagulo sa akin ang sinabi nya.
"S-sino po ba kayo?" Pagtatanong ko.
"Mr. John itawag mo sa akin. Hindi ko muna sasabihin ang pakay ko. Pero maniwala ka sa akin, wala akong masamang balak sa iyo. Mabait ako" natatawang sabi nito.
Mukhang pagkakatiwalaan naman ito.
"Kilala mo po ba si Papa?" Hindi ko na mapigilang maitanong ito.
"Kilalang kilala" sagot nito.
"Gayung kilala mo po sya, bakit ngayon lang po kita nakita" pagtatanong ko ulit.
Tumawa naman ito.
"Basta. Malalaman mo din. Tara na, huling lamay na ng tatay mo baka hinahanap ka na rin doon." Pagyaya nya sa akin.
Agad naman kaming bumalik sa chapel.
Hindi nanaman ako nakaligtas sa panenermon ni Mama. Kung saan saan daw ako nagpupupunta, wala daw sya mautusan.
Eh nandyan naman si Xernia.
Gaya kahapon, wala nanaman akong tulog.
Lumapit ako sa kabaong ni Papa.
"Pa, eto na. Huling araw nalang kita makikita" ayan nanaman ang nagbabadyang mga luha.
Bigla nalang may yumakap sa akin patalikod.
"Ari, lagi mo ako ginugulat" sinasabi ko ito habang nagpupunas ng luha.
"Wala ka nanamang tulog 'no? Kita sa mga mata mo" sabi pa nito.
"Babawi ako mamaya ng tulog, don't worry" nakangiting sabi ko.
"Anong oras daw po yung libing?" Pagtatanong ng isang bisita.
"11:30 daw po." Pag-sagot ko naman.
Tumango naman ito at umalis na.
"11:30 ate? Eh anong oras na ba?" Pagtatanong nito.
Agad ko namang kinuha ang phone ko.
258 unread messages
25 missed callsAgad na bumungad sa akin. Pero wala akong balak tingnan o sagutin ang mga ito.
"9:45 na pala. Handa na tayo." Sabi ko dito.
Pinakain na muna namin lahat ng bisita kaya naging busy kami.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Roman pour AdolescentsSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...