Aestherielle's POV.
Nagintay kami ng ilang minuto bago dumating si Kenzo.
"Ate, sino sya?" Tinutukoy nya si Kenzo.
Magsalita na sana ako para sagutin sya pero naunahan na ako ni Kenzo
"Ako si kuya Kenzo mo" nakakatuwang niluhod pa nya ang isang tuhod para magkapantay silang dalwa.
"Kaano ano mo po si Ate?" Tanong nya ulet. Sinulyapan ako ni Kenzo pero nagiwas lang ako ng tingin.
"Soon to be boyfriend" isang nakakalokong ngisi nanaman ang sumilay sa labi nya.
Naguguluhang tumingin sa akin si Geofree. Ngumiti lang ako sakanya. Miski ako hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyon.
Nangunot ang noo ni Kenzo ng masilayan nya ang mga pasa ni Geofree. Tumayo naman agad sya at tumitig sakin na nagtatanong.
"Anong nangyari?" Bulong nito sa akin.
"Si Mama" yun lang sinabi ko pero alam na nya ang ibig kong sabihin.
Pinasakay na namin si Geofree sa back seat habang ako naman ay nasa passenger seat.
Dinala kami ni Kenzo sa isang mamahaling restaurant. Natutuwa akong pagmasdan si Geofree na manghang mangha sa paligid.
"Ate ang ganda" manghang sabi ni Geofree. Tinutukoy nya ang tanawing tanaw mula sa lamesang kinakainan namin.
Katabi ko si Geofree habang si Kenzo naman ay nasa harap ko. Sya na din ang pumili ng kakainin namin.
Chicken wings, pasta, at steak ang inorder nya. Gaya ng inaasahan ko, hindi pa alam ni Geofree ang mga ito.
Natatawa pa kaming dalawa ni Kenzo habang pinapaliwanag ang mga ito sa kanya.
Matagal tagal din kaming kumain. Dahil naaliw si Kenzo kay Geofree.
8:30pm pa naman, hindi ko namalayan ang oras. Balak ko sanang umuwi kami kapag tulog na sila Mama. Hindi na kaya ng powers ko kapag nagkaaway pa kami.
"Ate ang ganda talaga dito" sabi nanaman ni Geofree.
"Gusto mo ba laging makakita ng ganyan?" Tanong naman ni Kenzo.
Tumango lang ang bata. Wala sa sarili akong napangiti. Sobrang ganda ng mga ngiti ni Geofree, parang walang nangyari sa kanya kanina.
"Oh 8:30 pa naman. Tara sa mall?" Sabi ni Kenzo habang nakatingin sa relos nya.
"Mall? Kuya yung may palaruan?" Excited na sabi ni Geofree.
"Gusto mo maglaro?" Ngiting tanong ni Kenzo.
"Opo Kuya, matagal na din po akong hindi nakakapaglaro. Kase umalis si Papa tapos si Mama ayaw nya" malungkot na sabi nito.
"Don't worry, andito na ang Ate. Kung gusto mo tuwing weekend pagkatapos ng work ko, punta tayo dun" sinabi ko ito habang ginugulo ang buhok nito.
"Talaga ate? Pangako?" nakikita ko ang mga kinang sa kanyang mga mata.
"Pangako" ngiting sabi ko dito.
"Pwede ba akong sumama tuwing weekend?" Ngiting tanong nito.
"Tara na, baka magsara na ang mga mall" pagiiba ko ng usapan.
"Hey, hindi mo sinagot tanong ko" parang batang pagmamaktol nito.
"Oo na, para kang bata. Halika na" tumayo na ako at hinawakan si Geofree sa kamay.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
