Kenzo's POV
Tatlong buwan din ang lumipas. Akala ko magiging okay ang lahat pero hindi rin pala.
Mas lalong nagkakalabuan kami ni Aestherielle. Madalas na din syang lumiban dahil sa kalagayan ng Papa nya.
Ngayon, katabi ko sya pero nakatulala lang ito.
Malaki na din ang pinagbago nya. Hindi na sya masiyahing Aestherielle. Hindi na sya madalas lumalabas, hindi na sya madalas sumasama kila Bridget. Naging tahimik na din sya.
Narinig kong tumunog ang phone nya na agad naman nyang sinagot.
"Hello?" Matamlay na sagot nito. "ANO?! BAKIT? ANONG NANGYARI?" Sigaw nito na ikinagulat ng lahat.
Aestherielle's POV
Ilang buwan na din pala ang lumipas. Mas lalo akong nanghina dahil sa mga problema at konsimisyon.
Lubog na si Mama ng utang dahil sa kakasugal nya sa kabila ng karamdaman ni Papa.
Hindi ko na alam ang gagawin. Ubos na ubos na ako, nakakapanghina na. Yung dating pinaghuhugutan ko ng lakas, ngayon ay dahilan na sya kung bakit ako patuloy na nanghihina.
What happened to us Kenzo?
Bumuntong hininga ako at narinig na may tumatawag sa phone ko. Hindi na ako nagabalang tingnan kung sino ito, basta ko nalang ito sinagot.
"Hello?" Sagot ko.
"Hello? Ae-ae, Si Papa. A-ano kase..." Boses ni Xernia.
"ANO?! BAKIT?! ANONG NANGYARI?" Sigaw ko dito.
"Pumunta ka na dito p-please" bakas sa boses nya ang takot.
"Papunta na ako. Wag kang aalis dyan" binaba ko na ang linya.
"Bakit daw Ae?" Tanong ni Lanie.
"Si Papa daw. Natatakot ako Lanie" nanginginig na sabi ko.
"Tara na, tara na. Eunice pagdrive mo kami dali" pagmamadali ni Lanie.
"Bridget ikaw na bahala sa mga prof. natin ha" pagbibilin naman ni Eunice.
Agad kaming lumabas ng room at patakbong tinungo ang parking lot.
Panay ang paghikbi ko habang nasa daan palang kami. Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko.
"Ae, wag kang magisip ng kung ano ano" laging sinasabi ni Lanie.
Pero hindi ko maiwasang magisip ng kung ano-ano.
This past few weeks, lumalala na ang kalagayan ni Papa. Ito din ang dahilan kung bakit ako wala ng tulog. Madalas ng lumiban sa klase. Tulad nalang ngayon.
"Ae! Ae nandito na tayo" pagsigaw ni Lanie. "Tulala ka nanaman"
Bumaba agad kami at pumunta sa kwarto ni Papa.
Nakita ko ang mga nurses at doctor na umaasikaso kay Papa.
"Xernia, anong nangyari?" Nanghihina kong tanong.
"Ewan, nagpho-phone lang naman ako tapos nagkaganyan na si Papa." Nanginginig na sabi nito.
"Tinurukan mo ba si Papa ng gamot nya?"
"Turok? May ganun?"
"Jusq naman Xernia. Sinabi ko na sayo yun!"
"Dapat nurses ang gumagawa non"
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Teen FictionSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
