Aestherielle's POV
Agad kaming niyaya ni Mommy mag-miryenda. Tila pinaghandaan nya ito dahil pagkarating namin sa balcony kung saan doon naka-set ang kakainan namin.
"Maupo kayo dali. Madami ka atang ikukuwento sa akin Aestherielle." Magiliw na sabi ni Mommy.
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may tinatawag na akong mommy.
"Kakaunti lamang po ang magagandang maikukuwento sainyo." Nakatungong sabi ko. "Kakaunti lang po kase ang magagandang nangyari." Bulong dagdag ko pa.
Naramdaman kong hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakangiti ito sa akin. Para bang sinasabi na okay lang ang lahat ng iyon.
"By the way, Mommy. This is Carla. Ang kumupkop kay Aestherielle." Pagpapakilala ni Kuya kay Ate Carla.
"Hi ija, maraming salamat ha." Sabi pa ni Mommy.
"Sus, wala po iyon Ma'am. Parang kapatid ko na po 'yan." Nakangiting sagot naman ni Ate Carla.
"Tita. Tita nalang ang itawag mo sa akin. Masyadong pormal kapag Ma'am." Natatawa pang dagdag ni Mommy.
Naging masaya ang usapan namin at ang pagmimiryenda. Nakadagdag din ng saya ang magandang tanawin na natatanaw mula dito.
Nang matapos na kami ay inilibot na muna kami ni Mommy sa buong bahay, habang si Kuya naman ay nag-shower na muna.
Tila perpekto ang bawat sulok ng mansion na ito. Puno din ng mga mamahaling kagamitan.
At ang kwarto ko, ito na ata ang pinaka-magandang silid na nakita ko. Lumalaro lang ang kulay nito sa Grey White at Black which is ang mga paborito kong mga kulay.
"Mommy, ang ganda." Manghang manghang ani ko dito.
"Ako ang pumili ng kulay na ito. Noong bata ka pa kase, lagi mong sinasabi na paglaki mo ay magtatayo ka ng sarili mong kwarto na ang kulay ay Grey lamang. Pero sana magustuhan mo."
"Mommy, sino ba ang hindi magugustuhan ang ganitong klaseng silid? Dati pinapangarap lang namin ito ng bunso kong kapatid, pero ngayon nakamit ko na. Nakakalungkot lamang dahil hindi ko sya kasama."
"Bunso? Si Geofree?" Pagtatanong nito?
"Yes po. Kilala mo sya?" Pagtatanong ko din dito.
Napabuntong hininga ito at lumabas sa balcony ng kwarto ko. Sinundan ko naman ito.
"Oo anak. Gaya mo, ay anak ko din sya sa Papa mo." Natigilan ako sa sinabi nya.
"So k-kapatid ko po talaga sya?" Pagtatanong ko.
Nakangiti itong tumango, malayo ang tingin.
"14 years ago, nagkita kami ng tatay mo. At sa hindi inaasahang pagkakataon. Nabuo namin sya." Pagkwe-kwento nya.
"Pero Ma, noong time na iyon ay 8 years old na ako. Kung nagkita kayo, bakit hindi mo man lang ako kinuha? At bakit napapunta si Geofree kay Mama?" Sunod sunod na tanong ko.
Bumuntong hininga nanaman ito bago magkwento.
"Ako ang unang asawa ni Ruelo. Ngunit, ayaw sa kanya ng tatay ko, ang lolo mo. Dahil ang gusto ng lolo mo ang lalaking ama ng Kuya Owen mo. Pero sa kabila non nag-sama parin kami, nagtago pero sadyang matinik ang lolo mo at nahanap kami. Pinag-hiwalay kami ng lolo mo at itinakwil ako bilang anak nya. Napunta kami ng Kuya mo sa mga tito mo na mga kapatid ko. Hindi ko alam noong time na iyon ay pinagbubuntis na pala kita. Nagtrabaho ako, nagpursigi ako para may makakain kami ng Kuya mo hanggang sa malaman ko na pinagbubuntis na pala kita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa dahil dumating ka o malulungkot dahil hindi ko alam kung papaano kita bubuhayin." Mahabang kwento nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/226492618-288-k257510.jpg)
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...