Chapter Sixty-six

61 7 0
                                    

A/n: Chapter sixty-six na. Parang kailan lang, balak ko i-short story lang 'to. Hindi ko akalain na mag-66 chapters na HAHAHAHAHA. Anyway, enjoy reading mga mahar<3

Aestherielle's POV

Dyan kita papakasalanan.

Parang isang magandang musika na nagpapaulit-ulit sa aking isipan ang sinabi nito.

"Papakasalan mo 'ko?" Tanong ko dito.

"Of course. Sabi ko sayo, hindi na ulit kita papakawalan." Sabi pa nito.

Tumingin naman ako dito at ngumiti.

"Buti nalang binawi kita." Sabi ko pa dito at pinisil ang ilong nya.

"Buti nalang nagpabawi ako." Mayabang na sagot nito.

"Psh." Pag-iwas ko dito kaya niyakap agad nya ako patalikod.

"Mahal na mahal kita, Aestherielle" bulong nito.

"Mahal din kita. I love you sagad."

"I love you sagad na sagad" natatawang sagot nito.

He moves closer to me. Tucking hair away from my eyes, behind my ears.

"You're so beautiful, I can't wait to marry you." Sabi pa nito.

"Pinapakilig mo nanaman ako." Natatawang sabi ko dito at napatakip nalang ng mukha. Ayokong makita niya kung paano ako kiligin.

Pinanood lang namin ang paglubog ng araw at nihatid nya na agad ako.

"Hindi ka na ba papasok sa loob?" Tanong ko dito nang maihatid na nya ako.

"Hindi na. Gabi na din. See you tomorrow, Love." Pagpapaalam nito.

He kissed my cheeks.

"Ingat ka. I love you." Sabi ko dito at bumaba na.

"Love you more." Sagot nito bago ko isara ang pintuan. Bumisina naman ito bago umalis.

"Oh naka-alis na jowa mo?" Tanong ni Ate Carla nang makapasok ako.

"Ahh yeah. Hindi na sya pumasok, gabi na din daw kase." Sagot ko dito.

Sabay na din kami pumunta sa kusina.

"Tamang tama pala dating mo. Kain na tayo." Sabi ni Mommy. Umupo naman kaming lahat.

Habang kumakain kami, nagpa-kwento naman sila kaya nagkwento agad ako. Kaya ngayon, kilig na kilig na sila.

Pagkatapos namin kumain, agad akong umakyat para maligo.

Hanggang sa pagligo ko si Kenzo ang nasa isip ko.

Nadala ata ako sa mga sweet na sinabi nya. Marimar na mahabagin.

Pagkatapos ko magbabad ay agad akong nagpatuyo at nahiga.

Sobrang daming nangyari, pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Nasa akin na uli ang taong pinakamamahal ko.

Masaya na ulit ako. Naramdaman ko na ulit ang kasiyahan na ilang taon kong hindi natamasa. Sa pagkakataon na dito, masasabi kong kuntento na ako sa kung ano mang mayroon sa akin ngayon.

A year and a few more months passed. Gra-graduate na kami!

Sa ilang buwan, nakasama ko ang mga mahal ko sa buhay through ups and downs. And now, gra-graduate ako bilang Summa-Cum Laude.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now