Kenzo's POV
Kumalabog ang dibdib ko. Biglang bumilis ang tibok nito dahil sa sinabi ni Sir.
"Oh no"
"Gosh, Aestherielle!"
"Aestherielle..."
Iba't ibang komento ng mga kaklase ko. Nangibabaw naman ang pagiyak ni Lanie.
Agad naman lumapit sila Bridget para pakalmahin ito.
"Guys, relax. Naisugod naman agad sya sa ospital. Okay na din ang lagay nya" pagpapakalmang sabi ni Sir.
Nakahingan naman kami ng maluwag.
"S-sir, saan pong ospital?" Tanong ni Lanie.
"Sa Perez General Hospital." Sabi nya.
"Sir pwede p-"
"Go. Ikamusta nyo nalang ako kay Aestherielle" pagputol ni Sir sa sasabihin ni Bridget. "Sa ngayon kayo muna ang pumunta, the rest mamayang uwian na. Okay ba yon?"
Nagsipagsing-ayunan naman ang mga ito. Agad naman na nag-ayos ng gamit ang tatlo.
Sasama sana ako ng pigilan nila ako. Hindi pa daw ito ang oras.
Kung hindi pa, kailan?
Nang umalis ang tatlo ay sinikap naming magfocus sa itinuturo ng mga guro.
Panay ang tingin namin sa mga relos namin.
Ba't ambagal ng oras?
Hindi na ako mapakali. Gusto ko ng umalis.
"Mr. Navarro? Are you with us?" Pagtawag ng prof. namin
"I'm sorry Ma'am. Please continue" napapahiyang sagot ko.
Pinilit ko parin magfocus hanggang sa dumating na ang oras na pinaka-iintay namin.
Nang makalabas ang huling prof. namin ay agad kaming nagmadaling umalis.
"Tol, pasabay" dinig kong sigaw ni Claude ng makalabas na ako.
"Faster" sigaw ko dito.
"Ah ah" pagbibiro nito.
"Gago!" Sigaw ko din dito na ikinatawa nya.
Nang makasakay kami ay agad kong pinaandar ito. Malayo layo ang ospital na tinutukoy ni Sir.
"Relax Kenzo. Baka sa langit na tayo pumunta nan" nakakapit na sabi nito.
"Bitaw. Hindi ka tatanggapin sa langit" tugon ko dito.
"Edi kung hindi, sa ibang langit nalang" pabirong sabi ulit nito.
"Alam mo? Bumaba ka na. Ayokong may demonyong kasama" masungit na sabi ko.
"Sungit mo naman Fafa, nagbibiro lang naman ang kagwapuhan ko."
"Oo, pati kagwapuhan mo, biro lang"
"Ang harsh Fafa"
Tumahimik na din sya ng makitang seryosong seryoso na ako.
"Fuck!" Sigaw ko ng mapansin ang paubos na diesel.
"Relax lang Fafa. Ayun may malapit na gas station. Arat na!" Naririndi na ako sa ingay nito.
Mabilis kong pinatakbo ito para umabot.
Bumaba muna itong kumag na ito. Nang bumaba din ako ay nakita ko na syang nakikipaglandian sa cashier ng gas station na ito.
"Sir tapos na po" sabi ng isang gasoline boy.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...