A/n: Sorry ngayon nalang ulit, nagkaproblem kase ang right thumb ko so kinailangan kong ipahinga. Nahihirapan din akong magtype, lalo na't phone ang gamit. Anyway, enjoy reading mga mahar<3
Aestherielle's POV
"Aestherielle, anak. Mag-dinner na muna tayo, later mo na ulit tapusin 'yan." Sigaw ni Mommy sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Okay Mom, 5 minutes." Sagot ko naman habang abala pa sa pagbabasa ng mga libro.
"Masamang pinag-aantay ang pagkain, Aestherielle." Kahit hindi ko man makita ang mukha nito, batid kong seryoso na ito.
Agad kong inayos ang mga reviewer ko at lumabas na. Pagkabukas ko ng pintuan seryosong nakatayo si Mommy. Binigyan ko naman sya ng apolegetic smile.
Ilang buwan na din ang lumipas noong grumaduate ako. Kaya ngayon, mas lalo akong naging tutok dahil sa darating na bored exam sa isang linggo.
Nang makababa na kami ay nakapwesto na ang lahat. Tanging ako nalang talaga ang iniintay.
"Masyado mong pinapagod ang sarili mo sa pag-aaral." Sabi ni Kuya nang makaupo ako. "Huwag kang mapressure. Kung hindi ka man makapasa, then try it again, take it again. Wala namang masama." Dagdag pa nito.
Napatango nalang ako dito at palihim na ngumiti. Masasabi kong swerte ako dahil mayroon akong pamilya na hindi ako prine-pressure. Basta kung anong kaya ko lang, handa nila akong suportahan.
"You will become a good educator someday, sweety." Malambing na sabi ni Mommy. "Claim it, because I know you can. Just focus on your goals, and never pressured yourself. Proud kami sa kung anong mayroon ka ngayon. We love you." Dagdag pa nito kaya hindi ko maiwasang maiyak.
Ang dating pinapangarap kong pamilya, ngayon abot kamay ko na.
Ang dating inaasam ko na pagmamahal ng isang ina, ngayon damang-dama ko na.
Ang dating miserable kong buhay, ngayon maginhawa na.
Napayuko nalang ako, umaasang hindi nila napansin na napaluha ako.
"Awww umiyak." Singit ni Ate Carla na nagpatawa sa kanila. Napansin nya parin iyon.
"Kase naman. Kaunti palang nakakain ko busog na ako. Busog na sa mga pinagsasabi nyo." Natatawang sagot ko dito.
Nagtawanan naman ang lahat at pinagpatuloy na ang pagkain.
Pagkatapos ko kumain, agad akong umakyat para mag-basa ulit. Naiintindihan naman nila Mommy ang mga ginagawa ko.
Hindi ko naman inaabuso ang sarili ko. Sadyang gusto ko lang mag-basa nang mag-basa.
Minsan nalang din kami magkausap-usap, magbabarkada. Siguro naging busy na din sila pag-aaral. Kumustahan lang sa GC okay na iyon, para sa amin.
Kami naman ni Kenzo, walang pinagbago. Mas lalo nyang ipinaramdam ang pagmamahal nya sa akin at ganoon din ako sakanya. Mas minahal pa namin ang isa't-isa. Lagi din kaming magkasama sa library para mag-review. Minsan, buong araw pa kami mag-kasama. Nakakatuwa lamang kase, ang relationship namin at hindi distraction para sa mga goal namin sa buhay bagkus, ginagawa namin itong inspiration.
"Magbabasa ka nanaman, Babe?" Sabi nya sa kabilang linya.
Lagi din kaming magkatawagan.
"Yeah, hindi pa naman ako inaantok. How about you?" Sagot ko dito.
"Same. By the way, kumain ka na?" Tanong ulit nito.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Roman pour AdolescentsSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
