Aestherielle's POV
Nagising ako dahil nanaman sa alarm ko. Pinakamramdaman ko ang sarili ko. Wala ng masakit sa mukha. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo na.
Halata parin ang pasa sa gilid ng labi ko pero sigurado akong matatabunan naman ito ng polbo. Nag-ayos pa ako ng kaunti bago lumabas
Naabutan ko silang patapos na kumain. Tahimik lang ako umupo at kumuha ng kanin.
"Ate Ae! I saw a crown inside your room. Kanino iyon?" Tanong ni Xernia.
"Ahh sa'ken" tipid na sagot ko.
"Ba't ka nagkaroon ng ganun?" Walang galang na tanong ni Ari.
"Dahil sa kaartihan nya" sabat ni Mama.
Hindi nalang ako umimik. Ayokong masira ang araw ko.
Tumayo na sila at iniwan ako sa hapag kainan. Tumingin muna ako sa relos at 6am pa naman 9am pa first class ko.
Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. Kaya hindi ko napigilang ngumiti.
"Ate Ae! Ba't ka natawa dyan mag-isa?" Gulat akong lumingon kay Geofree.
"Ba't hindi ka pa napasok? Lakad na malalate ka na" sabi ko dito habang inaayos ang buhok.
"Papasok na nga sana ako pero nakita kitang natawa" natatawang sabi pa nito.
Ngumiti lang ako sakanya bago sya tawagin ni Mama. Sa lahat ng kapatid ko, sya lang ang nakakasundo ko. Minsan nakakasundo ko si Xernia pero madalas hindi.
Nagayos ulit ako bago nagpasyang pumasok na.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at ganun nalang ang pagngiti ko nang makita kung sino ito.
"Hello? Aestherielle. Nandito na ako sa may kanto. Intayin kita"
"Okay, naglalakad na ako. Byee" agad kong ibinaba ang linya nang matanawan ko na sya.
Nakita ko ding kumunot ang noo nyang tiningnan ang phone nya. Pero ang pagkakunot ng noo nya ay napalitan ng magandang ngiti nang makita ako.
"Good morning" bati agad nito.
"Morning" sagot ko. Kumunot ang noo nanaman ang noo nya. Hinawakan ko ang noo nya at kunwaring niaayos ito. "Lagi mong kinukunot noo mo. Sa tingin mo gwapo ka kapag ganun?" Sinasabi ko ito habang nakahawak parin sa noo nya.
"Gwapo naman ako lagi" nakangising sabi pa nito.
Inismiran ko lang sya at pumasok na sa kotse nya.
Tahimik lang kami sa daan. Paminsan minsan ay sumasabay sya sa pinapatugtog nya kaya hindi masyadong awkward.
Lumipas pa ang ilang minuto at nakarating din kami sa campus.
Simula ng manalo ako sa pageant kaliwa't kanan na ang bumabati sa akin. May mga tao ding nagsesent ng friend request sakin.
"Hi ate"
"Good morning po"
"Ate congrats po ulet"
Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Binabati ko naman din sila pabalik.
Nang nasa tapat na kami ng classroom pero hindi parin sya nagsasalita. Medyo nawiwirduhan na ako kanina pa.
Papasok na sana sya ng mapansin nya ang pagtigil ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/226492618-288-k257510.jpg)
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...