Aestherielle's POV
Future daughter-in-law
Agad? Hindi ko pa nga po sinasagot yang anak nyo.
"Oh hon. Nandyan ka na pala. Halika na't kumain ka na. Hayaan mo muna ang mga bata dyan para matapos na din sila" sabi ni Tita Juliet habang papunta sa kusina.
"Oh pa'no? Maiwan ko muna kayo. Enjoy" tinapik tapik nya ang balikat ni Kenzo.
"Sige dad" sabi ni Kenzo at bumalik na din kami sa pag-aaral namin.
Lumipas pa ang ilang oras hindi pa rin kami tapos. Magaala-una na nang matapos kami.
"Tita, Tito. Muuna na po kami. Maraming salamat po" pagpapaalam ko sa mga ito.
"Bumalik kayo dito kung may pagkakataon huh. Lalo na ikaw Aestherielle" niyakap nanaman ako ni Tita.
"Take care. Kenzo hatid mo sila. Magiingat kayong lahat. Drive safe Kenzo" paulit ulit na paalala ng daddy ni Kenzo.
"Sige Dad" lumabas na kami at sumakay sa kotse nya.
"Inaantok na ako. Ba't kase ganun ang ibinigay ni Sir satin" reklamo ni Lanie.
"Wag ka na magreklamo ghorl, tapos na tayo" inaantok na sabi ko.
"Antok ka na?" Tanong ni Kenzo habang nagdri-drive.
"Obvious ba?" Inaantok na sagot ko dito.
Inuna nyang ihatid si Flor dahil malapit lapit lang pala ito. Sunod si Jeyoush at si Lanie. Inihuli nya ako.
Bumaba agad ako ng makarating na kami.
"Antok na talaga ako. Mag-iingat ka sa pagdri-drive mo. Salamat ulit" inaantok na sabi ko.
Nagulat pa ako ng halikan nya ang noo ko.
"Sleep well" sabi nya. Sumakay na sya at umalis.
Papasok na sana ako ng makita ko si Mama na nakaupo sa sofa.
"Oh Ma. Gising pa po pal-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa malakas na sampal nanaman ang dumapo sa mukha ko.
"Anong oras na?! Uwi pa ba yan ng matinong babae?! Sa'n ka galing?! Nakipaglandian?! Kung mabuntis ka?!" Sunod sunod na bulyaw nito sakin.
"Pero Ma, may ginawa lang po kaming project" papangatwiran ko habang pinipigilan ang paghikbi.
"Project project! Sabihin mo malandi kang babae ka! Hindi ka na nadala! Kailan ka kaya makakagawa ng tama?! Puro katangahan at kabobohan ang ginagawa mo!" Napapikit nalang ako dahil sa sobrang sakit ng sinasabi niya.
Hindi pa sya nakuntento sa pagsampal sakin. Sinabunutan nya pa ako at kinaladkad papasok sa kwarto ko.
"Siguro naman madadala ka na?! Ayos-ayusin mo buhay mo Ae-ae!" Isang tadyak pa ang natamo ko kaya napa-upo na ako.
Umiyak lang ako ng umiyak habang inaayos ang sarili ko. May panibagong pasa nanaman akong nakita sa mukha ko.
Alas-dos na pero hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak. Binalak kong wag nalang pumasok mamaya pero kailangan dahil nga sa reporting namin.
Niyakap ko si Geofree na mahimbing na natutulog. Kinatulugan ko na din ang pag-iyak.
Nagising ako ng gisingin ako ni Geofree. Tumingin agas ako sa relo at alas singko na pala.
![](https://img.wattpad.com/cover/226492618-288-k257510.jpg)
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...