Aestherielle POV.
Mabilis lumipas ang araw. Eto na ang linggong ayaw na ayaw kong dumating. Eto na ang pinakamabigat na linggo. Eto na, eto na ang linggo. Ang pagalis ni Papa.
Pumunta ako sa kwarto nila Papa para tulungan syang mag-impake ng gamit nya.
"Pa, tulungan na po kita dyan" pigil emosyon kong sabi sa kanya.
Ningitian nya lang ako at hinayaang tumulong.
"Pa, magiingat ka don. Kung may mangaapi man sayo wag kang papatalo. Ang mga Toress ay hindi dapat inaapi." Ngiting sabi ko dito pero parang sasabog na yung puso ko dahil sa pagpipigil ko ng emosyon.
"Sila mag-ingat sa akin 'nak" mayabang na sabi ni papa.
1pm pa naman ang flight ni Papa papuntang Saudi. Kaya may time pa kaming makapag-usap.
"Nak, pasensya na kung iiwan muna kita huh. Para sainyo din ang gagawin ko. Basta pangako mo sakin na mag-aaral kang mabuti. Wag mong papansinin ang mga negatibong sinasabi nila sayo okay? Fighting lang lagi nak huh? Kapag down na down ka na tingin ka lang sa langit or sa stars then be positive okay?." Ang mga luha nyang naguunahan sa pagdadausdos sa mga pisnge nya ang nagpalabas ng emosyon na kanina ko pa tinatago.
"Basta, kung ano man sabihin nilang masasama. Pasok sa isang tainga at labas sa kabilang tainga. Okay?" Dagdag pa neto.
Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip ay yumakap lang ako dito. Humahagulgol ng humagulgol na parang bata na hindi nabigay ang gusto. Parehas na kaming naging emosyonal.
Hindi ko ata kakayanin kapag umalis na si Papa. Pero wala akong magagawa. Parang napaka selfish ko naman kapag pinigilan ko ito.
"Ba't ba napaka iyakin nyo? Parang hindi na kayo magkikita ah? Kung makaiyak kayo. Umayos-ayos na nga kayo mamaya maiwanan ka pa ng eroplano Ruelo nakuu. At ikaw Ae-ae, wag kang magdrama dyan may mga hugasan pa baka gusto mong hugasan muna noh?! Apaka drama, ilugar mo yang pagdra-drama mo huh! Hala sige, magayos na kayo!" Bulyaw ni Mama
Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong umalis si Papa. Mawawalan ako ng kakampi sa bahay na ito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ako itrato ni Mama at mga kapatid ko.
Hindi ko namalayan na nakatulala na lang pala ako. Natauhan nalang ako nung tinapik ni Papa ang balikat ko.
"Magiging okay din ang lahat nak". Sabi sakin ni Papa at lumabas na ng kwarto.
Naghugas agad ako plato at nag-ayos na para makasama sa paghatid kay Papa. Ngunit hindi ko inaasahan ang nangyari.
"Oh Ae-ae san ka pupunta?" Takang tanong ni Mama.
"Eh Ma, sasama po sainyo."
"Anong sasama? Maiwan ka dito. Walang nagbabantay sa bahay kaya maiwan ka dito." Sabi ni Mama na nagpalungkot sakin.
"Pero Ma, gusto ko po sumama." Pagsusumamo ko rito.
"Anong pero, pero? Hindi ba't nagkausap na kayo ng papa mo kanina? Tama na iyon. At tsaka sayang ang pamasahe kung lahat tayo ay pupunta sa airport." Sabi ni Mama.
Tumingin ako kay Papa, pero ngumiti lang sya. Ang mga ngiting iyon na nagsasabing sundin ko nalang ang gusto ni Mama para wala nalang away.
Wala akong nagawa kundi tumakbo at yumakap nalang kay Papa.
"Magdradrama nanaman? Male-late na nga si Papa. Ano ba Ae-ae?" Inis na sabi ni Ari.
Ngunit 'di ko sya pinansin. Yumakap lang ako kay Papa at umiyak ng umiyak.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Genç KurguSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
