Aestherielle's POV
Maghapon akong walang imik. Ewan ko ba, nawalan na ako ng gana sa lahat. Bukod sa pagod na ako, parang namanhid na din.
Sa lahat ng nangyayari, hindi ko parin matanggap. Ayokong isipin na machine nalang ang bumubuhay sa mahal kong Papa.
Masakit tanggapin. Hindi ko kakayanin.
Palihim kong pinunasan ang mga luhang unti-unti nanamang tumutulo.
Napapagod na akong umiyak. Hanggang kailan ba akong magiging ganito?
Pati sa mga ginawang tests kanina, wala akong kagana-gana. Sana this time sa bonfire maging masaya naman ako kahit sandali lamang.
Hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi na ako ang dating Aestherielle.
Habang nagmumuni-muni ako ay hindi ko na namalayan na nakarating na din pala kami.
Dumiretso ako sa ilalim ng isang malaking puno. Gusto ko muna mapag-isa.
Tinanaw ko lang sila mula dito. Ang saya saya nila, sana ganun din ako.
Sana masaya din ako, katulad nila
Sana wala na din akong problema.
Sana mahal din ako ng nanay ko.
Sana... Hanggang sana na lang.
Pinahiran ko nanaman ang nga taksil kong luha.
Sabi ko hindi na ako iiyak.
Sumandal nalang ako sa puno at pinikit ang mga mata.
Pa, tatanggapin ko na ba talaga?
Hindi ko ata kakayanin Pa.
Kulang ang salitang 'Masakit' sa nararamdaman ko ngayon.
"Ae! Tara na sa bonfire!" Sigaw ni Lanie.
Kahit walang gana ay pumunta parin ako doon. Mahirap na baka masabihan pa na KJ.
"Ae, ayos ka lang?" Bulong ni Eunice. Katabi ko sya, pinaggigitnaan nila ako ni Lanie.
Pinilit kong ngumiti sa kanya at tumango. Hinawakan naman nya ang kamay ko.
Saksi silang tatlo sa mga kadramahan ko. Sila lagi ang karamay ko sa mga problemang hindi ko kayang solusyonan.
Sumandal naman ako sa balikat ni Eunice. Sa ganitong paraan, pinapagaan nila ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko lagi akong may masasandalan.
"Ae, gusto mo marshmallow?" Tanong naman ni Lanie.
"Wala akong ga-"
"Sige ikukuha kita" pagputol nya sa sinabi ko.
Natawa nalang ako sakanya na ikinagulat nila.
"Ae! Tumawa ka na ulit!" Tili ni Bridget.
"Ay wao, first time ba?" Natural na natatawa ako sa kanila.
"Sabi ko sainyo, joker na ako eh" pagmamalaki ni Lanie.
"Gaga" binatukan ko ito.
Napansin ko naman na nasa amin ang paningin ng lahat.
Lumapit naman sakin si Claude at inakbayan ako.
"Alam mo Ae, maganda ka kapag malungkot ka. Pero mas gumaganda ka kapag masaya ka" sabi nito.
Nakatikim naman sya ng batok mula kay Lanie na ikinatawa ng lahat.
"Bolera kang hinayupak ka" sigaw ni Lanie ay Claude.

YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Roman pour AdolescentsSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...