Aestherielle's POV
Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto ko syang habulin pero pinigilan ako ni Mommy. Kaya ngayon, nag-iintay ako sa labas. Nag-iintay sa kanya.
"Aestherielle, pumasok ka na sa loob." Sabi ni Mommy.
"Hihintayin ko sya Mom." Sagot ko dito at naupo sa isang bench. Nagulat naman ako nang tumabi si Mommy.
"May pasok ka pa bukas, I'm sure naman nauuwi din ang mga 'yon." Sabi pa nito.
"Mommy, masama ba ako? Hindi ba ako naging mabuting ate?" Nakatulala kong tanong dito.
"No anak, 'wag mong isipin 'yan."
"Pero 'yun po 'yung pinaparamdam nila sa akin. Napaka walang kwenta ko." Naiiyak na sabi ko.
Niyakap naman agad ako ni Mommy.
"You're worth it 'nak. Oo hindi ka man perpektong ate, pero para sa akin isa kang perpektong anak. Cheer up, we're here always. Magiging okay din ang lahat." Sabi nito na nagpaiyak din sa akin.
Lumipas pa ang ilang minuto at lumalalim na din ang gabi. Pumasok na din ang Mommy sa loob kaya wala akong kasamang nag-iintay dito.
Hanggang sa dumating din ang kotse ni Kuya. Agad ako napatayo sa kinauupuan ko.
Nakita ko silang bumaba at unti-unting lumapit sa akin.
"G-geofree." Pagtawag ko dito pero hindi nya pa rin ang sinasagot.
"Geofree, talk to your Ate" pag-uutos ni Kuya.
"She's not my Ate anymore." Nagulat ako sa sinabi nya, hindi lang dahil sa meaning nito. Nagulat din ako dahil nag-english sya.
"Please Geofree, listen first." Pagmamakaawa ko.
"I don't need your explanation please!" Sigaw din nito.
Lumapit ako sakanya pero nahawakan nya ang pulsuhan ko kung saan nandoon ang peklat ko.
Nangunot ang noo nya, kaya agad kong binawi iyon. Hindi ako nakapagsalita at umiwas ng tingin.
"A-anong nangyari dyan?" Pagtatanong nya.
"W-ala ano lang, bas-"
"Tinangka nyang magpakamatay." Pagputol ni Kuya sa sinasabi ko.
Ngayon ay hindi ako makatingin kay Geofree.
"Why?"
"Why? You're asking why Geofree? Malamang, nahihirapan din sya sa time na 'yon. Then now look at you, pinagtatabuyan mo pa sya" si Kuya ang sumagot kay Geofree.
Natahimik si Geofree at nakatingin lang ito sa akin.
"I'm sor-"
"No I'm sorry. I'm so sorrt Geofree" naiiyak na pagputol ko sa sinasabi nya.
Napatakip nalang ako mukha at umiyak ng umiyak. Naramdaman ko naman ang pag-yakap nya sa akin.
"A-ate." Sabi nya sa akin.
Napayakap nalang ako sakanya ng mahigpit ng mahigpit.
"Ate, I'm sorry. Sorry, kung pinagbuntungan kita ng galit." Sabi pa nya, hindi ko man kita ang mukha nya ay batid kong umiiyak din ito.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
