A/n: At dahil love ko kayo, may update ulit HAHAHAHA
Aestherielle's POV
Samu't saring store ang pinasukan namin. Mga mamahalin at branded ang mga pinapamili ni Mommy. Kahit anong tanggi namin ni Ate Carla ay sigi paring pilit ni Mommy, na syang ginagatungan naman ni Kuya.
"Dali na Aestherielle. Bagay na bagay 'tong dress na ito sayo." Pamimilit pa n Mommy.
Lumapit naman ako dito at tiningnan agad ang presyo nito. Gayun nalang ang gulat ko nang makita na five thousand ang halaga nito.
"Mommy, five thousand? Isang dress lang naman 'yan. Isang buwan ko nang baon 'yon eh" pagtanggi ko agad.
"Bilhin mo na Ae, kami bahala" pag-singit naman ni Kuya habang nagtitingin tingin ng iba pang damit.
"Mommy, ang mahal nito" pagtanggi ko nanaman.
Pero sa kabila ng tanggi ko ay napilit parin ako ni Mommy. Hindi lang isa ang dress na pinili nya para sa akin. Gayun na din si Ate Carla, samu't saring mga damit, sapatos, at kung ano ano pang palamuti sa katawan.
Nagpunta na din kaming tatlo sa Salon habang ang Kuya ay naglilibot-libot pa.
Kung ano ano pa sinasabi ng mga gay sa parlor.
"Madam, welcome back." Pagbati nito kay Mommy habang inihahanda na ang mga gagamitin.
"Oo nga eh, and guess what? Kasama ko na ang unica ija ko." Sagot naman ni Mommy.
"May anak ka palang babae Madam. Teka unica ija? Sinetch?" Pagtukoy ng isang gay kay Ate Carla.
"Inaanak ko. By the way dalian nyo na kaunting time lang meroon kami." Nakangiting sabi pa ni Momny.
"Ganda ng mga anak mo Madam. Pwedeng pang-artista." Papuri pa ng mga gay sa amin ni Ate Carla.
"Mana mana lang ghorl" kumpiyansang sagot ni Mommy. Tumawa naman kaming lahat.
Inahitan ng kakaunti ang kilay ko at pinarelax ang bagsak kong buhok.
Nang matapos na kami ay tila nanibago ako sa itsura ng pagmumukha ko ngayon.
"Bravo ladies!" Pagbati ni Mommy sa mga gays.
"Iba talaga lahi nyo Madam!" Papuri pa ng mga ito.
"Oh sya sya. Eto na bayad mga sisteret. Salamat sa magandang service. Feeling fresh" sabi pa ni Mommy at nagpaalam na sa mga ito.
Kinailangan pa naming tawagan si Kuya dahil hindi namin mahagilap ito.
Nag-intay pa kami ng ilang minuto at natagpuan na din namin ito.
"Kung saan saan ka nagsusu-suot." Sabi agad ni Mommy.
"Woah, you look gorgeous Mom" pambobola pa ni Kuya.
Pero hindi parin ito nakaligtas kay Mommy, dahil sinermonan parin ito.
Habang naglalakad ay pilit kong pinipigilan ang tawa dahil baka ako pa ang mapagbuntungan.
"Uuwi na ba tayo Mom?" Pagtatanong ni Kuya sa kalagitnaan ng pagsesermon ni Mama.
"Uuwi na ba tayo ghorls?" Pag-tatanong naman sa amin ni Mommy.
"Woahh nandyan pala kayo." Sabat naman ni Kuya kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Ganda nyo kase. Hindi ko kayo nakilala." Pag-bawi nito.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Ficção AdolescenteSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
