Aestherielle's POV
Alas siyete palang ay nag-gayak na ako dahil pagkagising ko ay text mula sa kanya ang natanggap ko.
Unknown Number
Let's meet at the coffee shop near where you work. See you:))
Agad naman akong naghanda para umalis.
Aalis na sana ako ng pigilan ako ni Ate Carla.
"Aga pa Ae, sa'n ka punta?" Kunot noong tanong nito.
"Mahabang kwento Ate"
"Paikliin mo." Striktang sabi pa nito.
Napabuntong hininga nalang ako umupo ulit sa sofa, tumabi naman agad sya sa akin.
"Ganito kase ate, nagmamadali akong pumasok. Sa pagmamadali ko may nabunggo pa ako. Then, nagkalat lahat ng gamit ko sa kalsada at hindi ko napansin na yung ID ko na kailangan ko ngayon ay nasa lalaking nakabunggo ko. Kaya ngayon, magkikita kami para makuha ko na ang ID ko. Kaya bye bye na po. Mauuna na ako" sunod sunod na sabi ko at tumayo na palabas ng pinto.
"Aestherielle Nandez Torres" pagtawag nya sa buong pangalan ko. Sign iyon na kailangan kong bumalik at humarap sa kanya. "Makikipag-meet ka sa lalaking, hindi mo pa kilala." Masungit na sabi nito.
"Pero ate, kailangan. Kase hindi ako makakapasok kung hindi ako naka-ID." Pangangatwiran ko pa.
"Paano kapag masamang tao iyon?"
"Paano ate kung mabait?"
"Hindi tayo nakakasigurado."
"Hindi rin tayo nakakasigurado kung masama nga sya Ate. Walang mangyayari kung mag-iintay lang ako dito. Alas diyes na ang exam ko ate. Kailangan ko pang maghanda." Pangangatwiran ko ulit.
Bumuntong hininga naman sya. Pero wala ring nagawa kundi payagan ako.
Agad akong pumara ng jeep, nakapatanggap naman ako ng text na nandoon na sya.
Lumipas pa ang ilang minuto ay nakarating na din ako sa coffee shop na tinutukoy nya.
Pagpasok ko palang dito ay inilibot ko na agad ang tingin ko.
May isang lalaki namang nagtaas ng kamay sa akin.
Gwapo naman
Pumunta na agad ako sa table nya at naupo.
Ngumiti naman ito sa akin. Tinawag nya na muna ang waiter at umorder.
Umorder pa sya, saglit lang din naman ako.
"So, pwede ko na bang makuha yung ID ko po? Kailangan ko na po kase" paninumula ko.
"Nagmamadali ka ba?" Nakangiting tanong nito.
Obvious po ba?
Ngumiti namana ko ng pilit. Wala akong oras makipagplastikan Kuya ha.
"May exam po po kase kami. So, kailangan ko na talaga yung ID para makapag-review na din po ako." Pagpapaliwanag ko ulit.
Tumawa naman ito. Kinuha naman nya sa bulsa nya ang ID ko. Ini-slide nya sa lamesa ito, pero nung kukunin ko na ito ay binawi nya ulit.
Medyo nainis ako sa ginawa nya, medyo lang.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Teen FictionSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
