Aestherielle's POV.
Naging maganda ang naging resulta ng sagot ko. Ngayon ay nakahilera na kaming lahat dahil awarding na.
"Para sa ating BEST IN BATCH SHIRT.. walang iba kundi si.... Candidate no. 8! Congratulations" Pagaanounce ng mc.
Kahit naiiba ako ay ako parin ang napili nila grabe. Pumunta agad ako sa unahan para sabitan nila ng sash.
"Para naman sa ating PHOTOGENIC... Isang maganda smile ang naipakita mo sa amin Candidate no. 12! Congratulations"
Hindi na ako magtataka, maganda talaga si Trixie. Ngumiti ako sakanya at sinuklian naman nya iyon.
"Best in SPORTS WEAR walang iba kundi si.. Candidate no. 1 Congratulations"
Ahh yung isa sa mga babaeng nanlalait sakin.
"Para naman sa BEST IN FORMAL WEAR... ikaw nanaman... Candidate no. 8! Congratulations again." Ako nanaman? Thankyouuuuu
"Best in THEME WEAR naman tayo. Para sa naggagandahang dilag na nagpamalas ng kagandahan... Ikaw ulet Candidate no. 8! Ang Danaya ng BBTE! Congrats again and again" yung puso ko. Ako ulet? Ohmyy sobra sobra na ito, hindi ko ito inaasahan.
Tatlo na sash ko at mas lalong umiingay ang buong hall.
"Ready na ba kayo sa ating 2nd runner up students?" Tanong ng mc. Naghiyawan naman ang mga estudyante. "Ako din pero sa BEST IN LONG GOWN muna tayo. Congratulations candidate no. 12!" Ngumiti ulit ako kay Trixie. Hindi na din ako magtataka kung sya ang mananalo dito.
"Eto na! Hawak ko na ang result para sa 2nd, 1st runner up and ofcourse The Miss Campus" kaming tatlo nalang ang natira sa stage.
"Una sa lahat, congratulations sa inyong tatlo dahil nakapasok na kayo sa Top 3!" May pa-thrill pa tong Mc na ito. Kinakabahan na ako.
"Okay hindi ko na patatagalin. For our 2nd runner up. Congratulations Candidate no.... 25!" Nagpalakpakan ang mga estudyante. Ngumiti sya saming dalwa at yumakap naman kami sakanya. Kahit hindi ko talaga sya kilala.
"Eto na! Eto na talaga! For our Miss Campus... Isang malaking congratulations..." Naghawak kamay kami ni Trixie. Alam ko na sya na talaga mananalo. Okay na naman ako sa 1st runner up eh.
"Candidate no..... 8!" Tama ba narinig ko? 8 daw? Pucha ako? Ako talaga? Seryoso kayo?
Nakatulala lang ako sa mga judgest natauhan nalang ako ng yumakap sakin si Trixie at nagcongrats. Yinakap ko din sya at duon na din ako umiyak.
"Awww emosyonal na ang ating Miss Campus" malambing na sabi ng Mc.
Inakay nila ako sa isang ginawa nilang trono para paupuin. Unti unti nilang sinusuot ang korona. Hindi parin ako makapaniwala. Tumingin ako sa mga classmates ko na nagwawala na sa sobrang saya.
"Once again, Congratulations Miss Aestherielle! Our Miss Campus. And ofcourse Congratulations Miss Trixie our 1st runner up" pagaanounce ng MC.
"Congratulations Aestherielle!" Masiglang sabi ni Trixie.
"Congrats din Trixie. Sobrang ganda mo talaga. Hindi parin ako makapaniwala na ako panalo." Niyakap ko ulit sya. Alam kong hindi ko pa sya kaclose pero sobrang gaan ng loob ko sakanya.
Humiwalay lang ako sakanya ng magsipagpuntahan na ang mga kaklase ko. Pumunta na din si Trixie sa mga kaklase nya.
"Wohoooo! Ang galing galing! Idollll. Iloveyouuuu" sigaw agad ni Lanie na yumakap sakin.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
