A/n: Bagal ko ba mag-update? Ako din nababagalan sa sarili ko HAHAHAHA anyways, enjoy reading!
Aestherielle POV
Ang lahat ay nagulat dahil na din sa sinabi ni Kuya. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya agad ito.
Kaya ngayon, iba na ang pangingitungo nilang lahat sa akin. Sa tuwing papasok ako ay samu'ts saring pagbati ang natatanggap ko, gayung dati naman ay nilalampasan lang nila ako.
"Good morning Ma'am Margoe" pag-bati ko dito at umupo na sa lamesa ko.
"Hmm morning." Pagbati naman agad nya.
Nag-iba na din ang pakikitungo sa akin ni Ma'am Margoe. Malimit na nya akong pagalitan at sigawan.
Parehas kaming busy sa pagtra-trabaho. Tanging ingay lang ng orasan ang naririnig sa office ni Ma'am.
Hanggang sa biglang tumunog ang telepono ni Ma'am.
"Hello, this is Ms. Margoe the Marketing Department." Sagot nya dito at inipit lang ang telepeno sa pagitan ng tenga at balikat.
Pero gayon nalang ang pagkunot ng noo nya.
"Damn it! Bakit hindi nakarating sainyo?! Budjet natin 'yon para makagawa ng new product. Bakit hindi nyo inaayos ang trabaho nyo?! Fuck!" Pabagsak nyang ibinaba ang telepeno.
Tumayo ito at nagpalakad lakad.
"Shit!" Asik nito.
Bumalik ulit sya sa bag nya at parang may hinahanap. Dinampot nya ang pulang lipstick nya at sininghot.
Mahabaging marimar...
"Shit! Pati ba naman 'tong inhaler ko nag-iiba na ang amoy. Mga leche!" Sabi pa nito.
Kailan pa naging inhaler ang lipstick Ma'am?
"M-ma'am." Pagtawag ko sakanya.
Kunot noo itong tumingin sa gawi ko. Ganoon na lamang ang pagpigil ko ng tawa nang makita na pulang pula na ang ilong nito dahil sa lipstick.
"Ma'am. H-hindi po kase inhaler ang nadampot nyo." Pigil tawang sabi ko.
Agad syang tumakbo sa malaking salamin at ganoon nalang din ang gulat nya. Tumayo naman agad ako at kumuha ng tissue ay binigay sakanya.
"Malas! Layuan mo ako!" Sigaw pa nito.
Gayun nalang din ang gulat namin nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Kuya.
"Miss Margoe, anong nangyayari sa budjet natin fo-" napatigil ito nang makita anh kalagayan ni Ma'am. "Oh fuck, your nose is bleeding" natatarantang sabi ni Kuya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung tutulungan ko ba si Ma'am na ayusin ang mukha nya o papakalmahin ko na muna si Kuya.
Wala akong ibang nagawa kundi sumigaw dito.
"Kalma!" At nagtagumpay naman ako dahil tumigil ito. "Kalma Kuya, lipstick lang. Ikaw naman Ma'am matatanggal 'yan, 'wag kang pabara-bara." Dagdag ko pa.
Sabay naman silang napabuntong hininga.
"Report to my office, Miss Margoe." Sabi pa ni Kuya bago lumabas.
"Shit! Anong sasabihin ko doon?!" Sigaw nanaman nitong isa.
"Kalma, Ma'am. Magagawan natin 'yan ng paraan." Pagpapakalma ko dito.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Ficção AdolescenteSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...