A/N: tagal ba? Tatagalan ko pa HAHAHAHAHA. Enjoy reading muwapss
Aestherielle's POV
Sya ang tinutukoy ng mga bata? Na laging nagpapakain sa kanila.
Kahit nagsi-alisan na ang mga bata sa harap ko at tumakbo sa likuran ko kung saan nandoon si Kenzo.
Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko. Ayoko na munang makita sya pero parang wala naman ata akong choice.
Bumuntong hininga muna ako bago nakangiting lumingon sa kanila. Kanina pa ay nararamdam ko na ang tingin ni Kenzo at tama nga ako dahil nagtama ang mga paningin namin. Agad din naman akong umiwas at binaling ang paningin sa mga bata.
"Ahmm mga bata, mauuna na ang ate ha. Sana nag-enjoy kayo." Nakangiting sabi ko at dinampot na ang dala dala kong gamit.
Tumalikod na ako sa kanila ng tinawag nya ako.
"Sandali." Mahinahon na sabi nito.
Humarap naman ako dito na nagtataka.
"Mga bata, anong sasabihin nyo?" Pagbaling nya sa mga bata.
"Maraming salamat Ate Ganda" sabay sabay na sabi ng mga bata.
Napangiti naman ako dahil sa mga saya na nakikita ko sa kanilang mga mata. Lumapit ako sa mga ito, binalewala ang presensya ni Kenzo. Lumuhod ako sa mga bata para magkapantay-pantay kami.
"Hanggang sa muli mga bata. Mag-iingat lagi kayo, okay? Kapag may oras ako, dadalhan ko ulit kayo." Nakangiting sabi ko.
Hindi ko inaasahang yayakapin ako ng mga ito.
Sobrang gaan sa pakiramdam.
"Gusto ko kayong ampunin kung puwede lang" sabi ko pa dito. "Oh sya, aalis na ako. May lalakadin pa ako." Pagpapaalam ko pa dito.
Nang nagpaalam na ako ay dumiretso na agad ako sa kotse, hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Kenzo. Kung mayroon man.
Nang makasakay ay humingi agad ako ng pasesnsya dahil sa katagalan ko. Naiintindihan naman daw nila.
Gaya ng sinabi ni Mommy, tinawagan ko sya habang nasa byahe kami papauwi.
Nang makarating na ay pinag-ayos agad kami ng Mommy. Naligo na muna ulit ako. Nagtagal naman ako nh ilang minuto at pagkalabas na pagkalabas ko sa banyo naabutan ko si Mommy na may hinahandang mga damit.
"Mommy, para saan po iyan?" Pagtatanong ko habang isinasaksak ang blower at magpapatuyo ng buhok.
"Hmmm ano ba bagay sayo?" Sabi nito na animong seryosong seryoso sa pagpili.
Pinagpatuloy ko na muna ang pagpapatuyo ko ng buhok sa harap ng salamin. Pero nakikita ko si Mommy mula sa salamin na kamot kamot ang ulo at tila nahihirapan.
Nang matapos ako ay lumapit na ako dito.
"Saan ba tayo pupunta Mommy?" Tanong ko dito.
"Sa mall" nasa damit parin ang paningin nya.
"Sa mall lang Mommy, bakit kailangan pang paghandaan?" Tanong ko.
"Anak, masanay ka na. Kailangan mong maging disente sa lahat ng oras." Sabi pa nito.
Isang dress na sleeveless. Isang dress na may sleeve pero makikita naman ang cleavage kapag sinuot. At isang off-shoulder na dress.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Fiksi RemajaSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...