Aestherielle's POV
Can I court you?
Seryoso ba sya?
Tumawa ako ng pagkalakas-lakas pero ni isa sa kanila ay hindi tumawa.
"Kingina! Havey yung joke mo Kenzo grabe" pamemeke kong tawa.
"Hindi ako nagjojoke Aestherielle" sagot nya na nagpatigil sa akin.
"Seryoso ka? Eto? Eto talaga?" Pagtuturo ko sa mukha ko.
Ngumisi lang sya at tumango. Nagkatitigan kami ng matagal na parang kami lang talaga ang naroon.
"Namumula ka" swabeng bulong nito. Iba epekto sakin, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Nemeke ako ng ubo at umiwas sa mga tingin nya.
"Ae-ae sagottt!"
"Ae-ae tinatanong ka oh"
"Papayag na yan"
Nasapok ko nalang ang noo ko. Dito talaga nya sinabi? Sa harap ng mapangasar na mga ito?. Hindi ko alam isasagot ko.
"Seriously? Kenzo? Dito? Alam nyo yung salitang privacy?" Sabat ni Lanie.
Tumayo si Kenzo at inilahad ang kamay sa akin. Tiningnan ko naman ito bago tumingin sakanya na puno ng pagtataka.
"Let's go?" Pagtatanong nya.
"Where?"
"Basta" sabi nya habang may matamis na ngiti.
Hinawakan ko nalang ang nakalahad nyang kamay at hinila nya agad ako palabas. Narinig ko ang hiyawan ng iba.
Tumigil kami sa ilalim ng puno sa may quadrangle. Sobrang maaliwalas ang paligid. Nakakarelax.
Inalalayan nya akong makaupo, hindi nya parin binibitiwan ang kamay ko.
"A-ahmm. Kenzo, about dun sa kanina. K-kase kung nagbibiro ka la—"
"Hindi ko nagbibiro Aestherielle. Liligawan kita sa ayaw at gusto mo" matamis na sabi nya habang hinahaplos ang aking kamay.
"Alam mong wala akong time sa ganyan Kenzo" may lungkot sa boses ko.
"I know. But I can wait" yun palang sinabi nya pero ikinatunaw na ng puso ko. "Hindi kita minamadali Aestherielle. Alam kong madami kang iniisip ngayon, pero gusto kong lagi akong nasa tabi mo." Malambing na sabi nya.
Unti unti ng namumuo ang mga luha ko sa gilid ng mga mata ko. Tinatanong ko sa sarili ko kung deserve nya ba ako? Pero walang mangyayari kung hindi susugal.
"Pumapayag na ako" nag-angat sya ng tingin.
"Pumapayag ka na ligawan kita?" Nanlaki ang mga mata nyang tanong.
"Oo nga" natatawang sabi ko.
Hindi ko inaasahan ang pagyakap nya sakin.
"I like you Aestherielle. I like you so much" bulong nito.
Ngumiti lang ako sakanya at nagyaya ng bumalik sa room.
May ilan ilan paring bumabati sakin dahil sa pagkapanalo ko. Karamihan dito ay mga lalaki.
"Congrats po pala miss. Ang ganda nyo po" sabi ng isang lalaki.
"Single po ba kayo?" Tanong pa ng isa.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...