Chapter Three

119 18 0
                                        


Aestherielle POV

Tahimik lang ako kumakain, habang ang mga kapatid ko ay masasama ang tingin sakin dahil sa ulam namin ngayon.

Nawala lang yung tensyon ng magsalita si Mama.

"Oh kamusta naman ang unang araw ng pagpasok nyo?" Tanong ni mama.

"Arghh Mama, may isang guy akong kaklase na super annoying. Like dzuh, 'di naman kagwapuhan. Kung makapang-asar wagas. Hayst nakakai-stress, nasira tuloy beauty ko." tuloy tuloy na sabi ni Xernia, sumunod kay Ari. Sa makatuwid pangatlo sa aming magkakapatid.

"Ako ma! Nakapagrecite agad ako. Super galing ko talaga sa Esp hayss" masiglang sabi ni Geofree ang bunso namin.

"Good yan baby Geofree. How about you Ari?" Tanong nanaman ni mama.

"Bukod sa badtrip ako kanina dahil may kumuha ng medyas ko." Sabay tingin sakin at pinagdiinan ang huling salita. "Bukod don, wala namang bago" walang ganang sagot nito.

"Ma! Ako naman po. Masaya po sa paaralan na yon. Medyo mala-" hindi ko natuloy dahil sa sinabi ni Mama.

"Hindi kita tinatanong" yun lang at umalis na sya sa hapag-kainan.

Napapahiya akong tumungo at nagpatuloy sa pagkain ng tahimik. Naramdaman kong hinawakan ni Papa ang kamay ko at nung nag-angat ako ng tingin ay ningitian nya lang ako. Ngumiti din ako sakanya at nagligpit na ako ng kinainan namin. Ako na din ang naghugas ng plato.

I belong to the 5% of teenagers na walang skincare routine na yan. Tamang hilamos nalang talaga. Kampante naman ako na hindi ako magkakapimples kase inihilamos ko naman yung underwear ko nung unang period ko. Yun kase sabi ni lola bago sya namatay. At isa pa mahal yang mga skincare at wala akong budget.

Bago ako matulog ay kinuha ko muna ang aking pakening phone na walang kwenta puro nalang hang ampupu. At inopen ko muna ang aking pakening fb account. Nagulat ako ng very very slight dahil lumubo ang aking friend reaquest at puro mga kaklase ko ito. Parang may hinahanap ang aking mata kaso 'di ko makita, umasa pa naman ako na makikita ko si Mr. Late. Walang gana ko itong pinagaaccept.

Lumipas pa ang ilang minuto ay niaantok na din ako. Nakakapanggigil lang yung mga pwends kong mention ng mention dahil may ipapaheart daw kuno para sa project. Apaka demanding ng mga ito, hindi naman nagrereact sa mga shitpost na shineshare ko. Hayss manigas kayo.

Matutulog na sana ako ng may kumatok nanaman sa pintuan.

"Pasok" sabi ko. Bumukas ang pinto at pumasok si papa. "Oh Pa, gabi na ah? Ano ang atin?" Ngiting tanong ko dito.

Ngumiti si Papa sakin pero tila malungkot ang kanyang mga mata.

"Matutulog ka na ba? Matutulog na ba ang aking dalagingging?" Nakangiting tanong naman ulet ni papa.

"Matutulog na sana Pa, pero mukhang kailangan pa ako ata ni Papa eh" pabiro ko itong sinabi.

"Anak, Sa susunod na linggo na ang alis ko" malungkot na ani nito.

"Oh Pa, bakit malungkot ka? Diba dapat masaya ka kase natanggap ka sa trabaho mo?" Pilit kong tinatago ang lungkot sa aking tinig.

"Mamimiss kita anak. Mamimiss ko kayo. Mamimiss ko din yung kulitan natin." Unti unti nanamang namumuo ang mga luha sa mga mata nya at naguunahang tumulo ito sa kanyang pisnge.

"Hay nako Papa, iiyak ka nanaman. Pati tuloy ako papaiyakin mo eh." Pinipilit ko paring wag pumiyok.

"Lagi kang magiingat dito. Sabihin mo sakin kapag pinagalitan ka nanaman ng Mama mo huh" bilin agad nito. Tumango lang ako sakanya at 'di na sumagot.

Nabalot kami ng katahimikan, at patuloy parin ang pagtulo ng luha nya.

"Pero Pa, may tanong lang ako." Hindi ko na talaga napigilang itanong ito sakanya.

Pinunasan nya muna ang mga luha nya bago sumagot. "Ano iyon Anak?".

"Bakit po ba ganun ako ituring ni Mama? Bakit sa paningin nya puro mali yung ginagawa ko? Bakit po ba ganun?" Yan ang mga tanong na pilit kong hinahanap ang sagot. Hindi ko na mapigilan ang pagkabasag ng boses ko dahil sa mga luhang naguunahang tumulo.

Tiningnan ako ni Papa na tila naawa sakin. At agad umiwas ng tingin. Umiling lang sya nang umiling. Parang sa lagay na iyon ay sinasabi nya na hindi nya din alam ang kasagutan.

Pinunasan ko na ang aking mga luha at tumingin ulit kay papa na may ngiti sa labi.

"Masyado atang madrama Papa, enough na muna. Sa susunod na linggo nalang ulet." Pabiro ko ulit sabi dito.

Natawa si Papa at hinalikan na ang aking noo. "Oh sya, wag ka ng magisip ng kung ano-ano. Matulog ka na. Maaga ka pa ata bukas." Ngiting tugon ni papa.

"Aye aye captain!" Sabay nanaman kaming natawa.

Hinatid ko si Papa sa may pintuan. At bago ko pa ito isira ng tuluyan ay narinig kong bumulong si Mama.

"Sinabi mo na ba?"

"Hindi pa, hindi pa ang tamang panahon." Rinig kong sabi ni Papa.

"Matanda na ang anak mo Ruelo, mas maganda kung alam na nya. Hays bahala ka, diskarte mo na yan". Rinig ko paring sabi ni Mama bago ko isinara ang pinto.

Ano ang sasabihin sakin ni Papa? Eh nasabi na naman nya na aalis na sya sa susunod na linggo? Haysst. Nagkibit balikat na lang ako. Matutulog na sa ako nang tumunog ang pakening phone ko.

Kaya inis ko itong tiningnan, nasilaw pa ako dahil sa taas ng brightness ng hinayupak ng phone na ito. Mas lalo pa talaga akong nainis. Pero ang inis ay napalitan ng kaba at galak. Nanlaki ang mga mata ko ng very very light lang din.

Kenzo Dan Navarro sent you a friend request.

--------------------------------

Muwappsss :*

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now