Kenzo's POV
Madaming iniwan sa aking trabaho ni Sir Peña kesyo ako daw ang pinagkakatiwalaan nya.
"Kenzo tara lunch" pagyaya ni Aestherielle.
"Mauna na kayo, may tatapusin lang ako" sagot ko dito.
"Okay, basta sunod ka ah. Bababa na kami" Parang may kakaiba akong naramdaman nung sinabi nya iyon. Sumilay din ang ngiti sa kanyang labi.
Ngiting nagpa-ibig sa akin.
Ngumiti at tumango nalang ako dito at nagpatuloy nalang sa mga ginagawa ko.
Ilang sandali pa ay natapos ko na din ang mga ginagawa ko.
Takbo at lakad ang ginawa para lang maipasa agad ito kay Sir at makasabay ang aking minamahal sa pagkain.
"Sir, excuse po. Eto na po yung pinapagawa nyo" sabi ko dito.
"Oh ambilis ah. Thankyou. Now you can have your lunch" ngiting sabi din nito.
"Thankyou Sir" yun lang at lumabas na ako.
Nakangiti kong tinatahak ang daan papuntang caffeteria. Nasa malayo palang ako ay natanawan ko na agad sila Lanie pero bakit wala si Aestherielle.
Lumapit na agad ako dito.
"Oh Kenzo, kain" pagaalok ni Lanie.
"Asan si Aestherielle?" Tanong ko agad.
Nagkatinginan ang tatlo kaya kumunot ang noo ko.
"A-ano kase, kinausap lang ni Jeyoush saglit" si Eunice ang sumagot.
Mas lalong nangunot ang noo ko.
"Asan sila?" Tanong ko ulit
"Ayun" turo ni Lanie sa isang puno. Natanawan ko agad silang nagkakausap.
Lumabas agad ako at dahan dahang pumunta kung saan sila naguusap.
Hindi nila namalayan na nasa malapit na ako. Nakatagilid sila sakin at sapat na ang distansya ko sa kanila para marinig ang pinaguusapan nila.
"Aestherielle, yung about satin" paninimula ng gunggong.
Hindi naman nakasagot si Aestherielle.
"Kase Ae, hindi ko na kayang pigilan pa. Oo nagkamali ako nung una, pero Ae nagbago na ako. Binago mo ko" dagdag pa nito.
Gago!
Hindi parin nakapagsalita si Aestherielle. Walang mababasa na emosyon sa mga mukha nya.
"Kaya tatanungin kita Ae. Mahal na mahal kita, ako ba? mahal mo din ba ako?" Tanong pa nito.
Gago ulet!
"Hindi kita mahal" pagsasalita ni Aestherielle. "Dahil mahal na maha-" hindi ko na tuluyang narinig dahil umalis na ako.
Ayokong marinig ang sasabihin nya.
Tumakbo ako ng tumakbo, hindi alam kung saan ako pupunta pero tumakbo nalang ako.
"Why did you this to me, love?"
Tanong ko sa sarili. Bakit? Why? Minahal kita Aestherielle! Ba't mo 'ko ginaganito?
Nakarating ako sa isang tahimik na lugar. Sa likod ng naglalakihang building. At duon binuhos lahat ng sama ng loob.
"Bakitttt! Bakit mo ginawa ito sakin?!" Sigaw ko.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Teen FictionSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
