A/n: long, long flashback. choss
Aestherielle's POV
"Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya na m-makita iyon. S-sorry." Sabi ko habang pilit na binabawi ang braso ko na hinawakan nya.
"Aestherielle. Look, Hindi ko alam kung bakit nya iyon nagawa." Nangangatwirang sabi nya.
"I don't need your explanation Kenzo" kahit nasasaktan ay pinilit kong ngumiti sakanya. "Alam ko na naman simula pa lang" tatalikod na sana ako ng hulihin nanaman nya ang braso ko.
"What happened to us, Kenzo?" Hindi ko na mapigilan ang pagbugso ng damdamin ko. Inilabas ko na lahat ng sakit na kanina ko pa pinipigilan.
"Hindi ba't kagagawan mo din naman?" Batid kong nahihirapan din sya sa sitwasyon ngunit bakit ako?
Humarap ako dito.
"Ako? Kenzo?" Takang tanong ko.
"Yes. You and that fucking Jeyoush" pagtuturo nya sakin.
"Anong s-sinasabi mo Kenzo?"
"Now, nagmamaang-maangan ka na?" Natawa sya ng sarkasmo.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo"
"I saw you. Flirting with that fucking bastard!" Sigaw nya dito na ikinagulat ko.
Kenzo.... Bakit?
"Flirting, Kenzo? G-ganun na ba tingin mo sakin Kenzo?"
Gusto kong sabihin na nasasaktan ako sa mga sinasabi nya pero wala na akong lakas.
"Ano ba gusto mo malandi? Haliparot? Manggagamit? Ano p-" hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil hindi ko na mapigilan na sampalin sya.
Kenzo, kahit kailan hindi ako naging ganyan.
"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan Kenzo! Dahil hindi mo alam ang tunay na nangyari! W-wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng g-ganyan. Dahil ni-minsan, h-hindi mo inalam ang nararamdaman ko!" Bagaman nasasaktan at umiiyak ay nasabi ko parin ito.
"Ano pa ba ang hindi ko alam Aestherielle? Ginago mo 'ko! Wag mo na akong gawing tanga!" Pagsisigaw nya.
Hindi ko na nagawang sumagot. Sobrang nasasaktan ako sa mga sinasabi nya.
"H-hindi ikaw ang Kenzo. Hindi ikaw ang Kenzo na...." Pinipilit ko yung sarili kong maging kalmado kahit sobrang hinang hina na ako. "Hindi na ikaw ang Kenzo na minahal ko" tumalikod na ako dito.
Tumakbo ako ng tumakbo kahit nanghihina.
Nang mapagod ay napaluhod nalang at humagulgol ng humagulgol.
"Bakit?! Bakit?! Putangina bakit?!" Pagsigaw ko.
"Bakit?! Bakit ko nararanasan ang ganito?!"
Kahit umiiyak ay pilit ko paring pumunta sa ospital nagbabaka sakaling naroon pa ang labi ng aking Papa.
Labi ni Papa.
Mas lalo akong naiyak ng isipin na wala na talaga si Papa.
Si Papa na nagaruga at nagmalasakit sa akin.
Si Papa na kakampi ko sa lahat ng oras.
Si Papa na tagapagtanggol ko.
Si Papa na mahal na mahal ko.
Wala na sya... Wala na.
Muling napaiyak ako kaya pinagtitinginan ako ng mga pasahero sa jeep.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Fiksi RemajaSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
