Chapter Fourty-four

62 8 0
                                    

Aestherielle's POV

Hindi ako pinatulog dahil sa kakaisip kung sino nga ba ang taong naghahanap sa akin? Buong hapon din akong tulala hanggang sa makalabas na ako ng ospital.

Bakit hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Ate Carla?

"Huyy Ae!" Pagkulbit ni Ate Carla.

"Yes ate? Ano y-yon?" Wala sa sarili kong tugon.

"Sabi ko, sa akin ka na muna pumalagi."

"Salamat ate ha, wala din akong malalapitan sa ngayon. Pangako, hinding hindi na ako magiging pabigat sayo"

"Sus, parang kapatid na din kita uyy"

Sobrang bait ni Ate Carla. Laking pasasalamat ko dahil nakilala ko ang isang taong gaya nya.

Kung may Kuya lang ako, irereto talaga kita Ate. Para maging kapatid na talaga kita.

Nang makarating na kami sa bahay ni Ate Carla ay dumiretso agad ako sa kwarto sa taas. Mula kase dito ay natatanawan ko ang bahay kung saan ako pinalayas.

Geofree...

Kamusta ka na kaya?

Inaalagaan ka ba nila? Pinapakain ng ayos?

Tutuparin ko ang pangako ko Geofree, babawiin kita sa mga kamay ng mga dragon. Pangako.

Nakaidlip ako ng saglit bago sumabay kumain kay Ate Carla. Since mag-isa lang sya dito dati, naging masaya sya ng may makakasama na sya ngayon.

"Nga pala Ate Carla, may babalikan pa ba akong trabaho?" Pagtatanong ko sa kalagitnaan ng pagkain naming dalawa.

"Trabaho? Hindi ka na magaaral?" kunot-noong tanong nya.

"Alanganin na din Ate, next sem na ako papasok."

Tumango-tango naman ito.

"Wala naman nasabi si Manager na tanggal ka na. So for sure, may trabaho ka pa." Ngiting sabi nito.

Nag-presinta na akong maghugas ng plato. Pagkatapos nito ay natulog na din.

Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil pabago-bago ng sched namin sa work.

"Ate Carla, hindi ka pa ba tapos?" Pagkakatok ko sa pintuan ng banyo.

"Malapit na Ae."

"Nagwawala na tiyan ko, sasabog na" sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko.

Laking pasasalamat ko naman na bumukas na ang pintuan.

Mabilisang kilos ang ginawa namin dahil baka malate kami.

Naging hassle pa dahil sa sikipan ng jeep.

Kalerky ghorl, pasakay pa ng pasakay kaya yung kalahating pwet ko nalang yung nakaupo.

Dapat kalahati nalang din binayad ko.

Nang makarating na kami ay, samu't saring pagbabati at sermon galing sa mga katrabaho ko ang natanggap ko.

"'Wag mo na uulitin 'yon, gaga" ani ng isa kong katrabaho.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now