Chapter Twenty-five

58 12 0
                                    

Aestherielle's POV

Hindi ako pinapatulog ng dahil sa kiss na iyon. Bakit? Bakit nya ako hinalikan?

Nagpaikot-ikot lang ako sa kama hanggang sa nagising si Geofree na katabi ko.

"Ate, ang likot likot mo. Anong oras na ba?" Kinukusot pa nya ang mata nya.

"Ala una palang, matulog ka na ulet"

"Sana ikaw rin" yun lang at tinalikuran na nya ako at humarap sa kabilang side.

Pinilit ko nalang ang sarili kong matulog.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sikat ng araw. Nang magmulat ay wala na sa tabi si Geofree. Kahit inaantok pa ay pinilit paring maligo at mag-ayos bago bumaba.

Naabutan ko silang lahat na naghahanda ng makakain. Halos lahat sila, so ako ang huling nagising.

"Oh ayan na pala ang prinsesa! Tanghali na kung magising" sigaw agad ni Lanie.

Naupo nalang ako sa bakanteng upuan na katabi ni Kenzo, at hindi pinansin si Lanie.

"Goodmorning" bati ni Kenzo.

"Morning" inaantok na sagot ko dito.

"Inaantok ka parin?" kunot noong tanong nito.

Kung hindi mo ko hinalikan, edi sana ako pa unang nagising sainyo.

Tumango nalang ako sakanya at inasikaso si Geofree sa pagkain.

"Ghorl, anong oras dating ni tito?" Biglang tanong ni Eunice.

"1pm pa I guess" sagot ko naman.

"May oras pa tayo para magswimming" sabat ni Bridget.

Naguusap-usap lang sila ng kung ano-ano nang may napansin ako.

"Teka, asan si Flor?" Tanong ko.

"Ayy ghorl. Maagang nagwalk-out ang gaga. Nasaktan ata sa nasaksiha kagabi" si Lanie ang sumagot.

Hindi nalang ako nagsalita.

Nang matapos kumain ay nagyaya agad silang magswimming. Pero hindi na ako sumama sa kanila. Naupo nalang ako sa buhanginan at pinapanood silang lahat.

Narinig kong may tumatawag sa phone ko.

Unknown Calling....

Hindi na-karehistro ang numero nito sa contacts ko. Kahit naguguluhan ay sinagot ko parin ito.

"Hello? Who's this?" Tanong ko ka-agad

"Hello, anak. Ae ikaw ba ito?" Boses ni Papa.

"Pa? Kamusta na po kayo? Balita ko po may sakit kayo? Kamusta na po pakiramdam nyo?" Sunod sunod na tanong ko. Narinig ko namang syang natawa at inubo.

"Ayos ako 'nak, magpapagaling" nagiba ang boses ni Papa.

"Pa, konting oras nalang magkakasama na ulit tayo. Maalagaan na kita" mahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko.

"Sige na 'nak. Ieenjoy nyo na muna ang pagbe-beach. I miss you 'nak. I love you" malambing na sabi nito.

Napapikit ako at tumingala para pigilan ang nagbabadyang mga luha.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now