Chapter Twenty-six

68 10 0
                                        

Ruelo's (tatay ni Ae-ae) POV

Tiningan ko ang naging reaksyon nya. Tila nagulat itong tumulala.

"P-pa, iba ang n-nanay ko?" Tanong nya sakin.

Eto na nga ba ang oras? Ang oras na dapat nyang malaman ang katotohanan?

Umiling ako. Umiling ng umiling.

"Hindi 'nak. Ang ibig kong sabihin anong magiging reaksyon mo. Y-yun lang" pagsisinungaling ko.

Hindi pa, hindi ko pa kayang sabihin. Ayokong masaktan sya.

"Si Papa naman eh, pinapakaba mo ako" sabi nya na may mga ngiti sa labi.

Ayokong mawala yang mga ngiti mo 'nak. Ayokong nakikita kang nasasaktan at lumuluha. Hindi ko ata kakayanin.

Ayokong saktan kita 'nak.

Aestherielle POV

Nang matapos akong magligpit ng mga gamit ni Papa ay pinagpahinga ko na muna sya.

Hindi parin mawala sa isip ko ang tanong nya kanina.

Paano nga kaya kapag iba ang nanay ko? Magiging masaya kaya buhay ko?

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Ari na nanood ng TV. Habang si Xernia ay nakatutok sa mamahaling phone nya. Nagtataka nga ako kung ba't ka nagkaroon ng ganoon.

Hindi ko nalang sila pinansin. Pupunta na sana ako sa kwarto para magpahinga, nang mahagip ng paningin ko ang nakatambak na mga plato sa sink.

"Ari, Xernia. Bakit hindi man lang kayo maghugas? Nilalangaw na oh" sabi ko sa mga ito.

"Edi ikaw maghugas, ikaw nakaisip eh" walang ganang sagot ni Ari.

"Alam Ae, ikaw nalang maghugas. Ikaw naman nakapansin, tas bagay naman sayo" isa pa itong si Xernia.

Hindi ko na din sila pinatulan at naghugas nalang din ako ng plato. Kung hindi ako kikilos, wala talagang kikilos.

Nang matapos ay nagwalis naman ako. Hindi ko alam kung bakit natitiis nilang madumi ang bahay.

Nang matapos na ay dumiretso na ako sa kwarto para maligo ulit. Alas kwatro palang pala kaya natulog na muna ako.

Nagising ako dahil may tumatawag sa phone ko.

"Hello?" Inaantok na sagot ko dito.

"Naistorbo ba kita?" Boses ni Kenzo.

"Medyo. Promise medyo lang talaga"

Narinig ko namang tumawa sya.

"Ala sais na, kumain na kayo"

"Tumawag ka lang ba talaga, para paalalahanan kaming kumain?"

"Parang ganun na nga"

"Naappreciate ko naman. Bye na, maghahanda na ako. Lakas mo eh"

Tumawa nanaman sya.

"Okay, bye. I love you"

"Thank you" yun lang ang nasagot ko.

Tumawa nanaman sya bago binababa ang linya. Bumangon na ako at lumabas ng kwarto.

Nakita ko si Papa na nagluluto. Habang si Geofree ay nakaupo na sa mesa. At yung dalawang ugok ay nasa sala nanaman.

Tumabi naman ako kay Geofree.

"Sa'n Mama?" Tanong ko dito.

"Sugalan nanaman" sagot nito.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now